May mga tama at maling tao tayong makikilala sa buhay natin. Siguro tama siya nong panahon na nagkakilala kayo pero hindi sa paarang alam mo. Yung akala ko siya na yung tamang tao na makakasama mo sa habangbuhay at wala kang maintindihan nong pinipilit ng tadhana iwan nyo ang isa’t isa at hindi magkaintindihan siguro kasi hanggang doon lang ang papel niya sa buhay mo. Hindi naman siya maling tao pero mali na dadalhin mo pa siya sa panahon na dapat eh wala na siya, Tama siya sa panahon na kailangan mo siya, pero hanggang dyan lang siya mali na ipipipit mo parin siya sa oras na pareho kayong nahihirapan na. Tamang tao sa tamang panahon naniniwala din akong meron niyan at kailangan mo mag antay, maniwala na makikilala ko siya kapag naitama mo na lahat ng kailangan itama sa buhay mo.
















