Bug-at gihapon kaayo akoang feelings karon na dili naman unta dapat kay kasabot man ko, akoang gi convince akoa kaugalingon na okay na, ito talaga ang pinaka tama na pwede mangyari sa ngayon. Dili man pud ni first time, ganito naman talaga ako pagdating sa atin, i easily get depressed, emotional, affected.. parang dejavu na nga 'tong nangyayari ngayon kasi nagkaganito rin ako last year, taon taon na nga siguro akong ganito, hindi pa nagsawa, hindi matuto, sarap na pagpahingahin tong puso ko kung pwede lang e shut down diretso gagawin ko kaso hindi naman ganun kadali yon. This fucking pain demands to be felt.
at some point alam kong magiging okay din ako dahil hindi naman ito bago sa atin, tulad ng lagi naman nangyayari, everytime nagkakaganito tayo, bisag unsa ko ka guba nagiging okay ako kalaunan. Natatanggap ko naman katagalan, naiintindihan ko naman kahit na madalas huli na. I will always remember the time i thought i dili ko ka survive but i did, and i know can do it again. mura kog naka auto pilot karon, ito nanaman ako e, wala kos present. I need to be in the present aron maka move forward, para sa mga tao nasa paligid ko, sa mga taong nagmamahal sakin, i need to breathe kay mura kong na suffocate sa bigat ng nararamdaman ko ngayon, kahit siguro maka survive nalang muna today, one at a time lang everyday. gustong gusto kong matulog nalang para maiwasan mag isip at maiwasan ang sakit kaso ang dami pa kailangan linisin at ayusin sa ngayon. I'm not telling you all of this para mag paawa, mag pa victim, ayoko kaawaan mo ako, gusto ko lang sabihin sayo lahat ng 'to. you want us to be friends right? Magpapaka vulnerable ako.. 100%. Na kahit maldita kaayo ko og matiitsin sa sarili at feeling ko kakayanin ko lahat. Naiinis ako sa sarili ko kasi pagdating sayo sobrang sentimental ko sa lahat ng bagay. Almost 1 year lahat ng ginagawa ko kahit matagal na tayo hindi nag uusap nandyan ka sa isip ko at never ka nawala. Sanay akong ganon. Kaya parang mawawala ako ngayon kung biglang pati doon e aalisin na kita.. but, i have to let go of what i can't change or control. Kahit natatakot ako sa pwede mangyari. Kahit na takot akong baka mawala kana talaga sakin. Mahal na mahal kita e. Ramdam mo man o hindi, maniwala kaman o hindi, hindi to pantasya ko lang, hindi to idea ko lang pagdating sa love, ito ang totoo.
Tulad ng napag usapan natin, Hindi na ako mag aantay sa atin o sayo. kahit wala naman talaga akong ibang gustong gawin kundi antayin ka, dahil ikaw lang gusto ko makasama sa huli, Ayoko ng may makita o makilalang mas better sayo, kung may mas better man sana ikaw parin yun sa hinaharap, kasi enough ka na para sakin. Ikaw na ang standard ko. Ikaw ang peace na hinahanap ko, na kahit nakakapagod na yung sakit, ikaw parin ang alam ko makakatulong sakin para mawala to.
Tapos ito, i had this feeling na you're slowly fading away na talaga, lumayo na loob mo. natatakot ako, takot akong mawala ka sakin, na wala na akong aasahang ikaw. Gusto ko paniwalaan yung sagot mo na mahal mo parin ako.. Hindi ka naman sinungaling, Pero hindi na siguro yung pagmamahal na tulad ng dati, I can't blame you kung yung feelings mo para sakin e unti unti na nawawala, siguro may part din sayo na hindi mo pa ako kaya bitawan kaya konoconvince mo din sarili mo na meron pa kahit wala na talaga. Sorry kung ganito nanaman ako, sobrang sentimental pagdating sa ating dalawa. Natatakot lang talaga akong mawala ka. Sorry kung i expected you to be faithful and loyal to me kahit na madalas kita itulak palayo sakin madalas kita e ignore. Sobrang taas ng expectation ko sayo at tiwala, Sorry kung unfair ako sa part na maniwalang pareho tayo ng ways how to cop up kahit na halos taon na di nag uusap. What a pity of me.
Adik na yata ako sa sakit e. Alam ko naman na pwede ulit ako masaktan kapag nagkita tayo pero ito ako, pumayag parin. Kausapin ka, makita ka. Siguro dahil din sa miss na miss na din kita at masaya ako na kahit wala akong ginawa kundi isang tabi ka, gumagawa ka parin ng paraan para kausapin ako. Hindi ako galit, hindi na ako nagsisisi ginawa natin to.
Hanggang sa huli ikaw parin gumawa ng paraan para makapag usap tayo ng maayos, ako tong nag antay lang at walang ginawa at dahil dun sobrang nagpapasalamat ako, pinaramdam mo na iba ako. Mali lang talaga siguro pamamaraan ko paano magmahal ng tao, sobrang dami kong pagkukulang sayo alam ko. Kaya hindi ko na mababawi yung mga araw o taon na nawala at nasayang ko. Naappreciate ko yung sinabi mo na gi value ko nimo as person at importante ako sa buhay mo kaya mas pinili mong magkausap tayo ng personal. Kahit masakit, na amazed ako sa nangyari, Malayong malayo sa ineexpect ko mangyari pero at some point eye opener lahat ng napag usapan natin simula sa cafe, sa plaza at sa buong pag uusap natin, sobrang kilala mo na nga talaga siguro ako, alam mo na yung desisyon na gusto ko gawin eh hindi rin ako sigurado, na para bang alam mo agad na im willing to take risk ng hindi naman talaga pinagisipan at hindi 100%. Kasi may takot parin talaga ako kung tama ba o mali nasa isip ko, kung kaya ko ba talaga, ayaw mo ako hayaang maging mapusok para lang patunayan ko sayo na mahal kita, Gustong gusto ko na yun gawin sa totoo lang kasi gusto ko mas mapalapit sayo, mas makilala kita at mas makasama na kita, i really want to win you back, ako nanaman lalaban para sa atin, kaso nakikita mo ba ang future? O ganon na kalawak isip mo pagdating sa buhay? Masyado kang advance mag isip, alam mong pwedeng ako mawala ako in a process at ayoko din mangyari yun sakin, ayokong mawala tayo pahero dahil lang gusto natin e try. Ayoko ng may napipilitan, ayoko ng may pinipilit or pinilit lang naging okay, kung magiging okay man tayo yung tama lahat, tulad ng sinabi mo yung nature lang. Ayokong mawala tayo pareho habang magkasama tayo mas di ko matatanggap yun. Dead end na yun.
Hayyy.... I love you so much, Santi. Naintindihan ko ano priorities mo sa ngayon, at ayoko guluhin o hadlangan desisyon mo na yun, alam ko din naman na kapag decided ka na yun na talaga yun e, masakit pero masaya parin kasi may natutunan ka nag gogrow ka pa as a person, ginawa mo lahat ng alam mong tamang gawin at makakabuti sayo, sobrang proud ako sa part na yun kahit na alam kong yung mga bagay na gusto mo gawin at tapusin ngayon kaya mong gawin na wala na ako. Sana magawa mo lahat ng gusto mo gawin at mahanap mo yung satisfaction na gusto mo makuha. I want you to know na nandito lang ako. Kailanganin mo man ako o hindi na, im always here hindi na nag aantay ha. Promise hindi na ako mag hold back. Gusto ko lang malaman mo na may aninipot dito na naniniwalang kaya mo gawin lahat ng gusto mo gawin. Kaya mo puntahan lahat ng gusto mo puntahan.
I'm sorry kung nagpost ako ng ganon, Hindi yun pagpapasikat or kung ano. Dami kasi nagtatanong ano na nangyari sa pag uusap natin, kung kamusta ba tayo, musta yung pagkikita natin, Lahat ng taong malapit sakin alam na inimbita kita, na may chance na pupunta ka, hindi ko naman hawak nga nasa isip nila, mga sarili silang mga assumptions sa mga pwedeng mangyari, lahat sila excited. Kaya di ko alam paano ko sasabihin na hindi tulad ng iniisip ng karamihan ang nangyari, alam ko naman na i don't owe them explanation, pero ramdam ko yung concern nila at ayokong mag worry sila sakin, normal naman magtanong sila kung ano nangyari kasi lahat sila looking forward to meet you, this time mga right people na sa buhay ko.
Wala naman kasi akong ibang bukangbibig kapag tinatanong nila ako bakit hanggang ngayon single ako, bakit ayaw ko pa, bakit ako mag isa, wala akong iba sinasabi kundi dahil meron akong ikaw, na kahit malabo para sa kanila merong tayo. it will always be you.. Na kahit ano pa siguro sabihin ko hindi nila maiintindihan bakit ako ganito sa pinanghahawakan ko o kung bakit tayo ganito, ayoko na sabihin sa kanila lahat ng detalye kasi alam kong hinding hindi nila tayo maiintindihan.. Ibang iba yung kwento nating dalawa. Minsan naisip ko sana third party nalang problema para mas madaling bitawan. Hindi nila maiintindihan kasi tayo lang nakakaalam sa kung anong problema meron tayo sobrang kumplikado kahit parang wala naman sana. Ayoko din na baka
maging biased yung pagkwento ko at dahil baka ma judge nila yung kung anong meron tayo. Ginawa ko lang yung post na yun para hindi na sila magtanong. Para kahit papano alam nila na hindi comeback kundi closure yung nangyari. Hindi ko rin kaya ikwento baka maiyak nanaman ako.
So yun, andito ako sa kwarto gusto ko ilabas lahat ng to. SAYO.
i won't expect anything, kahit walang reply. Okay lang, Hiling ko lang basahin mo 'to kasi ito lahat ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Hindi ako nakainom ha? siguro mamaya paglabas ko na. Kasi nag iinuman sila sa labas. Mag iingat ka. Mahal kita. Ang hirap mo i give up kasi alam ko ikaw lang talaga ang gusto ko, kasi tangina kung kelan gusto ko na gawin mga bagay na gusto mo dati ikaw naman ngayon ang hindi na, Bibitawan na ako, bibitawan ko na yung kamay na balak ko sanang hawakan habang buhay. (Korni ko sa part na to alam ko) Yung past natin e treasure ko parin naman, Malaking parte ka ng buhay ko at siguro sa buong pagkatao ko. Dami ko din natutunan sayo.
Maybe someday, I'll write something about us too. No promises. I love you. Good bye, Love.