WALANG KAYO
Bagong buhay daw, pero parehong eksena. Para saan pa?
Hindi mo pa din siya makalimutan?
Hindi mo pa din mapigilan tignan kung online ba siya?
Pati IG Stories niya inaantay mo pa?
Kahit na nasasaktan kana?
Sino kaba? Sino ba siya? Sino ba kayo?
Kailan ka magigising?
Sa mundong ginawa mo lang sayo.
Mundong malayo, hindi abot kahit pa may kayo.
Wala kang karapatang masaktan
Wala ka din karapatang umasa
Ikaw lang yung may problema, Gaga.
Pero naisip ko lang,
Meron ba kayong sinimulan?
Paano kayo matatapos kung sa umpisa palang wala naman kayong sinimulan?
Hindi mo na din naman mababago ang ikot ng mundo,
Pero hindi ibig sabihin nun, hindi kana tatakbo.
Tumakbo ka hanggat kaya mo,
Tumakbo ka, palayo, sa pagitan ng ikaw at ako.
Alalahanin mo, walang tayo.










