Nakapag-pasalamat ka na ba sa Kanya ngayon? Siguro hindi pa. Pero, di pa naman huli ang lahat para mag pasalamat ka sa Kanya.
Oh well, papel. Bakit ka nga ba magpapasalamat kung badtrip ka ngayon, o di kaya, di maganda araw mo ngayon? Ano nga ba naman dapat mong ipagpasalamat ngayon? Siguro magpapasalamat ka lang kapag maganda lang araw mo. Kapag may unexpected na nangyari sayo. Siguro lang ha? Naging ganyan din kasi ako.
Matuto kang magpasalamat sa mga bagay na meron ka ngayon. Alam mo kung bakit? Kasi soooobraaaang Blessed ka. Kahit di mo ramdam. Dadating din sa point na marerealize mo at magsisisi ka sa mga ginawa/nagawa mo. At mararamdaman mo din yung mga ginawa/nagawa sa'yo ni God.