THE CORNIEST SONG I'VE EVER WRITTEN SO FAR HAHAHA.
PAKI-EXPLAIN. LABYU.
Nag-Hi lang sa'yo, mahal mo na agad
In-add ka lang sa facebook ang kati na parang higad
Pero pag 'di na-comment-an broken hearted kaagad
Pakipaliwanag
Porma mo'y uso kahit na sagwa sa'yo
Asta mo'y koreano kahit kutis mo'y moreno
Alam mo namang hindi babagay sa iyo
Pakipaliwanag
Alam naman natin kung ano'ng nararapat
Pero kung minsan ang isipan ay salat
Awkward na nga sige pa rin ang banat
Please paki explain... Labyu
May friendzoned at brozoned ka pang nalalaman
Basted ka lang 'wag nang mangatwiran
Ang status mo ay it's complicated ang laman
Pakipaliwanag
Nag Starbucks ka pa, eh magkakapi ka lang
Isang order para makatambay sa sosyalan
Dahan dahan ang sipsip baka ka maubusan
Pakipaliwanag
Alam naman natin kung ano'ng nararapat
Pero kung minsan ang isipan ay salat
Awkward na nga sige pa rin ang banat
Please paki explain... Labyu