Kagabi napagkwentuhan namin ni Bheng (mabaetakokonte) yung about sa confe noon. NagGM kasi sya na namimiss na daw nya magconfe hanggang madaling araw. Sakto, mutual ang aming nararamdaman <3
Nagreminisce lang kami nung mga kagagguhan tsaka mga nangyayari sa confe noon.
Malas minsan pag ikaw ang unang matatawagan kasi ikaw din ang unang mada-drop. Totoo yun. Kasi minsan ikaw palang kausap nung host tapos magsisimula palang kayo tanungin ang isat isa kung sino pa tatawagan (pero minsan naman planado na kung sino sino ang tatawagan) pero pag tinawagan nya minsan hindi macontact, busy yung line o kaya eh sasabihin na mamaya na sya kasi may tatapusin na sya. HAHAHAHAHA. Ganun talaga. At pag magkakausap na kayo, dahil ikaw nga ang unang mawawala, minsan makakalimutan o di mapapansin na wala ka na pala dun sa confe kaya mag aantay ka ng ilan minuto pa. True story bro. :D
Masaya pag unli call lahat. Kasi madami kayo matatawagan. Hanggang sa konek-konek na yung line na di nyo namamalayan 20+ na kayo sa confe. Yung tipong ang ingay nyong lahat tapos may sisigaw "Sino sino andito?!" tapos uulitin nung isa, "Oy sino sino daw tayo dito. Pakilala na isa isa!" HAHAHAHA. At dapat kasama URL pag nagpakilala. Hahaha. Minsan di mo ala kung sino tumnatawag ng pangalan mo o kung talagang may tumatawag sa pangalan mo. HAHAHAHA. Tapos may biglang kakanta na minsan lalaitin lang pero minsan sinasabayan pero hindi naman talaga kayo sabay sabay kaya ansakit sa tenga. Lamnyoyan.
Madami ka makikilala. Peymus man o bagong kaibigan. Dahil nga madami kayo syempre iba iba makakausap mo. Uso din kasi yung iba ka-confe mo bawat gabi kaya pag may tatawag sayo sasabihin mo, "gusto mo merge ko yung call? Kaconfe ko sila *insert URLs*" Kaya instant party nanaman. O kaya pag nagpakilala na, hindi maiiwasan may magreact na "Hala ikaw pala si *insert URL here*?!" Instant friend ang nahanap mo. HAHAHAHA. Swerte pag may peymus na kasali dun sa confe. Kasi chismisan to nth power ang nangyayari. :)
Matira matibay. Hanggang 3am O 4am yung confe. Partida, may mga pasok pa ng 7am sa school man o trabaho. Pag sinabi mo na "Uy after neto tulog na ko ha. may pasok blah blah blah" asahan mo na lahat ng pagbabanta at panunumbat na sasabihin nila para lang hindi mo ibaba yung phone call. Nakakaadik diba?
Uso din ang pagmamaldita. Pag di mo/nyo trip yung kausap, ittext mo yung host na idrop kung sino man yun. At si host naman kunwari na-drop dahil ban na. Pero kayo, tuloy padin ang ligaya habang yung hindi nyo trip kasuap, nga-nga sa kakaantay na tawagan ulit sya. Mean! HAHAHAHAHA.
Malungkot? May problema? iConfe yan! yun naman siguro ang isa sa dahilan kung bakit kahit nakakapuyat eh gusto mo padin mag confe. Kasi kahit may problema ka, pag nalaman nila, confe agad. Tapos dadamayan ka. Pero pagkatapos ng ilan oras, nag-gagaguhan nanaman kayo. At kung sino yung may problema, sya na yung nangingibabaw ang boses sa ingay at kakatawa.
Kulitan. Gaguhan. Asaran. Loveteams. Issues. Friends. Gabi gabi, iba't ibang usapan. Hanggang sa nabuo na yung Kada na lahat nalang ng word dinuktong nyo sa "Kada" pero dahil dito, naging matibay naman yung pagsasamahan nyo. Naging tunay na magkakaibigan.
BAN. Kalaban ng lahat. Charot. HAHAHA. Pag may nagGM na "Guys ban na ko." parang gumuho mundo mo. Nakakabitin. Nakakainis. Pero parang order lang sa fast food yan, you're always willing to wait. Diba? Kasi alam mong worth it.
I miss the old times. I miss summer of 2012. Sobrang miss ko na kayo. Sobra.