As a citizen at netizen na din, gusto ko lang ipahayag ang opinyon ko tungkol sa laban ng Ateneo at La Salle. Even though hindi ako big fan ng magkabilang team dahil FEU at LPU lover naman talaga ako, pero dahil na observe ko lang naman. ABS-CBN are more on endorsing Ateneo team, lalong lalo na sa pagddescribe, pagrrate at mas pagbibigay gratitude sa Ateneo. What I am saying is, sabihin na natin na Ateneo ang bet ng madami sa kanila, pero bilang isang TV Network at nag aair ng LIVE na laban, sana lamang ay maging patas ang kanilang pagkakahost sa event na yon. Napansin ko din na yung mga ABS-CBN Artist na dumalo ay talagang Team Ateneo, at hindi naman masama yon, hindi naman masamang bigyan nila ng importance yung bet nilang team eh, nakakatawa lang na masyado silang na overwhelm sa pagccheer sa Ateneo napahiya tuloy bigla sila ng La Salle na ang lumalamang at nanalo.
Pero pagkatapos ng game dahil “GINAGAWA NILA ANG TRABAHO NILA” lalapitan nila ang La Salle na parang buong game nila ipinagcheer. LOL.
Then makikita ko na guest ang buong La Salle Team sa UKG. Weeeell, natural dahil sila ang nanalo, pero ako, nasabi ko na lang “bakit hindi nyo iginuest ang Ateneo?”
Tutal sila lang ang sa tingin nyo ang nagbigay ng HARDSHIP sa laro, sila lang ang nagsakripisyo sa mga training. Or masyado nyo silang kinaawaan para hindi nakita yung paghihirap ng La Salle para makamit nila yon. Hindi para sa fame o sa trophy ang habol ng mga lumalaban sa UAAP pero yung dignity nila at dedication dahil mahal nila yung laro nila. Parehas nagbigay ang magkabilang team ng BEST nila. Kaya wag naman sanang masyadong biased ang iba, kahit sa mga memes na ginagawa. Although wala lang naman ang lahat pero para sa mga taong ginagamit nila sa mga pagpapatawa, may meaning at may something pa din sa kanila na na aapektuhan sila. Sila nga mga naka move on at may mga sportsmanship sa isa’t isa pero ang fan nila wala? Pilipinong Pilipino talaga ang ugaliin.
Yun lang naman yung masasabi ko.