Ang Batang Magaling
Nabanggit na namin noon si Minayun, ang anak ni Papi na nagligtas sa kanya at tumalo sa mga taga-Lingkaan. Siya ang dahilan kung bakit kaming lahat ay naka-uwi dito sa Nalandangan. Dahil dito, iniidolo din namin siya! (P.S. nakuha rin niya ang kagwapuhan ng kanyang ama hihihihi).
Ngunit, sino nga ba talaga si Minayun? Saan siya galing? Parang bigla lang siyang lumitaw diba?
Ngayon lang siya nakilala ng bayan, sapagkat buong buhay niya siya’y nakatira sa Langit ha Nakatana kasama ng kanyang ina. Isang araw, umalis siya at naglakbay para hanapin ang kanyang tatay kasama ng kanyang mahiwagang kalasag. Aba, sosyal ang kalasag na ito! 'Di tulad ng ibang mga kalasag, may panagalan ito—Dalinayen Ambengen o Kalasag Aneg-egen ang siyang tawag! At siyempre, di naman nagpatalo ang kanyang mahiwagang sibat na si Linungbu’ ha Bang-egen o Bagkaw Balintuwasen!
Binigyan niya ng nganga si Papi, at dahil dito, nabuhay muli si Papi at natuklasan nila na sila’y mag-ama pala. Pagkatapos noon, nilabanan na ni Minayun ang mga taga-Lingkaan! Nagulat sila at bata lang ang kumakalaban sa kanila, ngunit natalo parin sila!
Hindi tumagos sa kanyang mahiwagang barong (na gawa sa hinabing buhok, sosyal) ang kahit alin sa mga sandata ng mga taga-Lingkaan. Sa bawat pagsaksak sa kanya, siyam ang namatay.
Sobrang nagalit si Namanding! At buti nga! Siya iyong naging ahas at lumunok sa LAHAT ng tao dito sa Nalandangan maliban kay Agyu. Ugh. Naalala ko pa iyon. Anak din niya si Inay Legeng sa Kilay kaya buti lang natalo sila... Marami rin pala pangalan si Namanding: Datu ng Kabukaan, Padsilung ha Kabatlaw, Nadsilung, Pandiggabaw hu Langit.
Muling nabuhay ang mga taga-Naladangan dahil sa mahiwagang nganga! Kasama ni Minayun, naglaban sila at ang mga taga-Lingkaan sa loob ng maraming taon habang unti-unting naubos na ang mga taga-Lingkaan. Pinili ni Minayun, na sa tagal ng laban ay isang binata na, na umuwi sa kanyang ina. Ang ibang mga taga-Nalandangan naman ay nakauwi dahil pinagawa ni Papi si Malalamen ng mga biray.
Kahit na wala na siya dito, mahalagang bayani pa rin siya ng bayan at paminsan-minsan bumibisita pa rin siya sa kanyang tatay, si Papi. Ang galing talaga ng batang ito!!!













