14 October 2016
Will I be okay? 😓 Sana...
seen from Taiwan

seen from Singapore

seen from United States
seen from China

seen from United States
seen from United States
seen from China
seen from United States
seen from Türkiye
seen from United States
seen from Russia

seen from Malaysia
seen from United States
seen from United States
seen from Indonesia
seen from Malaysia
seen from Germany

seen from United States

seen from United States

seen from Netherlands
14 October 2016
Will I be okay? 😓 Sana...
13 October 2016
Patawarin mo sana ako kung ayaw kung bunili ng chicken sa suki mo. Nahihiya kasi ako sa isang nagbebenta. Si Kuya na hindi ko alam iyong pangalan. Makinis iyong mukha niya tapos ewan ko ba bakit naiisip ko si Emilio Aguinaldo kapag nakikita ko siya. Hindi naman sila magkahawig. Tuwing bibili kami ng chicken sa pwesto nila, napapaisip ako ng, 'Ay, makikita ko si Emilio.' Tapos parang excited ako?
Ano ba iteyyyy?
11 October 2016
Kumusta naman ako? Eto, ayos naman at buhay pa. Nakakatuwa lang kasi napapalibutan ako ng mga taong positive ang ugali na kailangan ko as of now dahil nagiging pessimistic nanaman ako lately. Parang naeexcite nanaman ako pumasok. Di kagaya dati na parang palagi nalang akong naghahanap ng purpose sa bawat araw na dumarating sa buhay ko. Haaaay. Although hindi ko pa alam kung anong plano ko sa sarili ko, sana magkawork na ako soon. Lord kayo na pong bahala. 🙂 Tiwala po ako sa timing niyo.
04 October 2016
Haaay... pangalawang araw palang ng pagiging 23 ko pero nalulungkot ako sa maraming rason. Please, lubayan mo ako lungkot. Lord, sana narinig niyo yung prayers ko kagabi. 😔
30 September 2016
Medyo nakakapagod tong araw na 'to. Pero masaya. I was able to meet new faces and nice people. Nagpunta kami sa isang barangay dahil may PASADA. Grabe, nakakatuwa lang isipin na nakipag participate yung mga bata kahit takot silang matusok for blood typing. Masaya rin ako kasi mas nakilala ko pa yung staff na kilala ko na eversince college pa ako. Si Ma'am S**. Saka yung isang bagay pa na ikinatutuwa ko e nakilala ko yung mga interns na bagong pasok.
Tapos for the second time nag-bleed ako ng patient pero hindi Terumo yung ginamit kong blood bag. Nakalimutan ko na yung brand name. Hahaha, omg. Sign of aging lang ang peg ko. Anyway, first time kong gumamit ng ganon. Medyo ang daming kaartehan ng blood bag na yun. Pero okay narin na na-encounter ko siya at least alam ko na siyang gamitin next time. Hahahaha. Pambihira. Sine-search ko sa google yung pangalan ng blood bag pero di ko mapalabas yung tamang word. 😂
Dear 0920*******, who you po? Magpakilala ka na please! May pa-happy-happy lunch ka pang nalalaman. Pinapaasa mo lang ako na ikaw si toots. 😂
29 September 2016
Hashtag bakit-pakiramdam-ko-ayaw-mo-sa-akin? Ayaw kong mag-over think pero iyon yung nafi-feel ko. The way you asked me to go somewhere because we need to talk was rude for me. Pwede namang sabihin mo iyon sa maayos na paraan. Hindi yung sa paraan na napapatingin yung ibang tao. Kahit na hindi mo ako sinigawan, yung tono ng boses mo hindi maganda para sa akin. I know I made a fault. Hindi naman ako magdedeny na may mali ako, e. Yung sinabi mong may nagsumbong sa'yo na staff na may sinabi akong issue regarding sa isang volunteer, I doubt na nag-sumbong sa'yo 'yung staff. Binanggit ko pa nga 'yung pangalan ng staff sa'yo. Hindi ako nagsinungaling na sinabi ko 'yon. Naikwento ko'yon sa staff dahil alam kong may problema din siya sa volunteer na 'yon. At hindi masama ang loob ko sa staff dahil naniniwala akong hindi niya ako sinumbong. Nasabi niya lang sa'yo yon without any bad motive. Sheeeeesh. My point is you are a rude person. Feeling ko ayaw mo ako at gusto mong palabasin yung pangit sa akin para yun din ang maging tingin sa akin ng ibang tao.
Sorry sa pagiging judgmental at pagiging assumera na ganong klase kang tao kaso yun talaga yung pinarating mo sa akin... Sana mabago pa yung pagtingin ko sayo kasi ayokong may sama ako ng loob sa taong madalas kong nakakausap at nakikita.
28 September 2016
Omgggggeeeeh... Nabitin ako sa pinanuod kong Korean drama! Sa Monday at Tuesday pa ulit yung next episodes. Grabeeeeeee, wala yatang episode na hindi ako kinilig. Aaaaah. Hindi ko ma-describe yung feeling ko ngayon. Paganda ng paganda kasi. Errrr. Yung mga oras na ganito ang nagbibigay ng inspiration sa akin mag-sulat, eh. Sheesh! Hahaha. Di lang talaga maka-get over. Hashtag Scarlet-Heart-Ryeo-bakit-palagi-mo-nalang-akong-binibitin? Sana October naaaaaa!
Hello nga pala kay ate kanina na naka-white uniform na nakasakay ko kanina sa jeep. Akala ko sinisipon ka lang pero umiiyak ka na pala. Sana okay kana ngayon. Kung alam mo lang, nung katabi kita sa jeep, pinag-pray na kita kay Lord. Hindi ko man alam kung ano'ng pinagdaraanan mo sana huwag kang mawalan ng pag-asa. Marami pang magagandang plano sa'yo si Lord. :) Regarding man yan sa school, love life, financial, family, etc., naniniwala akong hindi ka niya pababayaan. Kaya cheer up lang ate! Hayaan mo lang na yung will ni God ang magpaikot sa buhay mo dahil doon ka lang talaga makakahanap ng peace sa puso mo. 🙂
Hello sa teacher ko nung third year na na-meet ko kanina. Ayos lang kahit di mo na ako maalala ma'am kasi maski ako hindi ko narin maalala kung anong section kita naging advicer. Hahaha! Sabi ko Chlorine pero nung nakaalis kana bigla kong naalala na Chromium pala ang section ko nung naging advicer kita. 😂
At para sa number na nagtetext sa akin na hindi ko naman kilala, bakit wala ka ng reply? Akala ko pa man din ikaw si crush. Hahahaha!
26 September 2016
Yung nag-bleed ako ng patient after a year. Buti nalang palaging andyan yung guidance ni Lord. Very instant lang yung prayer ko sa kanya na sana hindi ako ma-bogs (mabokya) at naging maayos naman yung pag-bleed ko sa patient. Hindi talaga ako prepared na may dadating na blood donor today tapos ako pa talaga yung kukuha ng dugo. Sa totoo lang nag-aalanganin akong tumusok. But I am so thankful that He gave me the confidence to perform it. I am also thankful that He gave me this kind of opportunity. Thank you Lord!❤️