2015 be like.. 👍
Marami ang nangyari noong 2015, may masasaya, mayroong malulungkot, may mga nauso at may mga gumawa din ng ingay sa bansa. At narito ang ilan.
• ALDUB 💏 - sino ba naman ang hindi makakakilala sa phenomenal loveteam ng 2015 na kinatatampukan nina Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza. Take note, ang love team na minahal ng sambayanan ay isang accidental loveteam na nabuo sa Kalyeserye ng Eat Bulaga. Dito rin umusbong ang ALDUB Nation na siyang nasa likod kung bakit laging trending ang loveteam sa mga social networking sites.
• PABEBE 👋💁 - mula sa salitang pa-baby na ang ibig sabihin ay pagpapacute. Sa Pabebe din hinango ang salitang “Pabebe Wave” 👋 ng ALDUB. At sa Pabebe din umusbong ang Babaeng Walang Kilay, Babaeng Utal at ang Babaeng Multo o mas kilala sa tawag na Pabebe Warriors o Pabebe Girls.
• BEAUTY PAGEANTS 👸👑🌍🌏🌎 - Noong 2015, nangibabaw ang gandang Pilipina sa buong mundo. Nandyan si Trixie Maristela na kinoronahang Ms. International Queen, Ms. Globe na si Ann Lorraine Colis, Angelina Ong bilang Ms. Earth at si Pia Alonzo Wurtzbach bilang Ms. Universe.
• MAY-PAC FIGHT - 2015 din naganap ang sinasabing fight of the century nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather. Madaming proseso ang pinagdaanan bago natuloy ang Pacquiao-Mayweather fight.
• APEC 2015 🌎🌏🌍 - Noong November 2015, sa Pilipinas idinaos ang APEC 2015. Nabalot din ng isyu ang nasabing summit. Naging trending din ang #APECHotties tampok sina President Enrique Pea Nieto ng Brazil at Prime Minister Justin Trudeau ng Canada.
• DUBSMASH 🎤📹🎥🎭 - ang Dubsmash ay isang mobile app kung saan idu-dub mo ang boses either ng artista o ibang karakter habanh bini-video mo ang iyong sarili. Gamit na gamit ang dubsmash nitong 2015 bilang pampa-aliw sa mga Pilipino. Ito din ang nagbunsod upang makilala si Maine Mendoza o Yaya Dub na tinaguriang “Dubsmash Queen of the Philippines”.
• PAPAL VISIT 2015 🙏 - Enero 2015 nang bumisita sa Pilipinas ang pinakamamahal na si Pope Francis, na nagbigay ng ngiti at pag-asa sa ating mga kababayan. Ang pagdalaw niya ay may temang “ Mercy and Compassion” (Habag at Malasakit). Hindi ako Katoliko, pero naramdaman ko yung gustong iparating ng santo papa sa atin na mahal tayo ng Diyos, hindi niya tayo pababayaan, at walang unos na di natin kayang lagpasan basta kasama natin ang Diyos.
• MAKE UP TRANSFORMATION 🙈👦 - ang Pinoy talaga hindi mauubusan ng paglilibangan at isa na dito ang nausong make up transformation kung saan kukunan mo ang iyong sarili ng video habang marami kang anek-anek sa mukha, tapos kung ano-ano gagawin mo, merong umiinom ng zonrox, joy, rugby, atbp. Tapos bigla na lang magbabago ang iyong itsura.
Ang daming ala-ala ang iniwan sa atin ng taong nagdaan, kung may mga hindi magaganda, iwanan at kalimutan na natin iyun at magsimula ulit. At ang mga magaganda naman na nangyari ay dapat natin itong i treasure at wag kakalimutan na magpasalamat sa Diyos sa lahat-lahat ng nangyari ay hindi niya tayo pinabayaan at binigyan ng isang taon pa para mabuhay at paglingkuran Siya. ☝








