Rain is coming Mt.Sicapoo traverse / Solsona, Ilocos Norte Philippines
seen from United States
seen from France

seen from Italy
seen from China
seen from United States

seen from Türkiye
seen from France

seen from Belgium

seen from United States

seen from Australia

seen from Malaysia
seen from Singapore

seen from Malaysia

seen from United States

seen from Italy
seen from China
seen from United Kingdom
seen from Türkiye
seen from China

seen from Italy
Rain is coming Mt.Sicapoo traverse / Solsona, Ilocos Norte Philippines
Mt Sicapoo
Holy holy holy holy holy holy holy... ( HOWL A.Ginsberg ref.)
9/9 difficulty, yes you read it right. This is now my Favorite mountain
Mt Sicapoo was famous for The Penguin Rock at the summit
yess nman, ito ang pinakuna kong 9/9 at unang 3days sa bundok, totoong mahirap sya kumpara sa mgaprevious climb ko.
well it all started sa pagiging sabit ko. June 10-12 ung expedition namin, mga June 7 lng ako naka confirm, may nag backout sa group na inorganize ni kuya Randy Aguirre kaya ako yung pumalit.
kung matatandaan ko mga afterlunch na kami nagsimula, mga 1pm? or 12nn+ something.
ito yung picture namin mga pagod agad sa byahe mula manila.
unang river crossing ng GasGas River
at mga sumunod na trail sa GasGas River.
panalo tubig dito sa ilog, masarap mag swimming
Unang assault. papunta na sa campsite ng Mt Saulay. ginabi na kami dito, tangenang assault kase ito ubusan talaga ng lakas, full pack pa dala dala namin, mga around 7 or 8 nakarating kami ng campsite. Hindi na ako nakapag picture, mas nakakaubos ng lakas eh :(
May group meal kami na inorganize din ni kuya Randy at ate April, kung sino sino mag luluto, at kung anong ulam lulutuin, nakaasign lahat sa members. sobrang oraganize at nakikioperate nmn lahat kami kaya panalong panalo walang lamangan. Medyo maaga ako nakatulog nitong firstday, pagkakain plang nakatulog na ako pagkahiga, ang sakit ng katawan ko nito hahaha.
Second day, ang pag raratrat para makita ang summit.
Maaga ulit kami nag simula dito, mga 6am, hindi ko na natandaan kung sino nag ayos ng pagkain namin, pero idol kasi, may nakasaing na at ulam pagkagising ko. Hindi nmn ako palamunin, tumulong ako sa pag luluto sa 3rd day.
Eto yung mga picture na pahinga namen after assults, masarap pa sa pakiramdam dito, medyo okay ang lamig, lamig umaga at bundok.
Yun ito na nga, yung nag summit na kami, medyo iba ang pakiramdam, nawala lahat ng pagod ang sarap sa pakiramdam, sobrang iba, Je Ne Sais Quoi in french ika nga yung feeling, yung hindi ma explain.
Pag baba, pinauna na ako ni kuya Randy para mag saing ng kanin, medyo ratratan din ko binaba, medyo ma fog na at dumidilim.
After naming mag dinner non, nakisali na ako sa socials, at first time ko matikman yung Basil (Sugar Cane Wine) medyo lasang bulaklak, hindi ganon kaasim katulad ng lambanog, medyo smooth inumin. Sandaling socials din at maaga gising namin kinabukasan mga 3am at nakatoka ako mag luto para sa lunch namin.
Third Day, at ayaw parin paawat ng hirap, jusko, kung kahapon sobrang laki ng pag sisisi ko na nalimutan ko mag dala ng trailfood, dito badtrip na badtrip na ako dahil hindi ako nagdala. Nabuhay ako sa buraot ng trail food (sorry po at sobrang maraming salamat sa mga nahingan ko) . Pasalamat kami at maaga kami ang simula at hindi ganon kaniinit pero solid ang assault ng Mt Timarid. Aga agang parusa hahaha.
Medyo after namin mag lunch, saka nagpakita si haring araw, ayon papatay sa init at pagod, nahihilo na ako sa mga panahong ito, medyho may scarcity na din ng tubig, dahil ang lalayo ng water source, may 5hours ung layo ung iba 2hours tapos ang dala ko lang 1.5L na container kamusta naman ang pagtitipid ko.
After a long successful at nakakaiyak na expeditionm, eto kame nakangiti at akoy nag papasalamat sa malupit at panalong karanasan na sanay hindi ko makalimutan.
Issai, Ivy, Joan, Kuya Elmer, Kuya Mike, HikelikeMike, Kuya Randy, Ate April, Ej, James, Deesh, Rachel, at Drew. Maraming maraming salamat sa lahat. Alam kong tamihik akong tao pero sobrang naappreciate ko yung company nyo, medyo may pagsisi lng din ako dahil hindi ako ganon ka expressive pagdating sa pag sasalita pero hopefully till next climb, we can talk about life and how to live it fullest, lets inspire each other with the beauty of life and experiences and learn from each other. <3
“Ipababatid sa lahat ng minamahal na minamahal ko silang lahat. Mabubuhay ako ng nagmamahal sa pag ibig” - Segundo by Dong Abay
*Note - Halos lahat ng picture na ito ay galing at kuha ni James na binigay nya samin gamit ang sharedfolder, maraming maraming salamat kunhindi dahil sa picture at tyaga mo kumuha ng litrato kahit pagod na pagod sa pag akyat, wala akong milalagay sa journal ko na ito, libre kita beer pag nag kita tayo.