Hanap mo ba yung bundok sa Benguet na HINDI CROWDED? . Tara na sa MT. UGO 👉⛰💯 . May mga TIPS kami sa inyo para walang hassle yung pagpunta nyo sa Ugo 👇 . ✅ Mag-hike ng WEEKDAYS kung gusto nyong ma-solo ang bundok. Kami lang ang nag-iisang nag-overnight hike nung May 30-31 ❤❤❤ . ✅ Pag DIY, may 2 ways para makapunta from Baguio to Brgy. Tinongdan, kung san ang registration. ✌ . ✅ Parehas JEEP ito pero yung una, available lang ng weekdays, starting 1pm. DIRECT na to ng Brgy. Hall. ⏭ . ✅ Yung pangalawa, jeep din pero bababa pa kayo sa junction bago sumakay ng tricycle. Available naman ang jeep everyday, from 5am-5pm. ⏭⏭ . ✅ Kung 10+ naman kayo at prefer nyo magpahatid, may taxi at van na available. 🚕🚙 . ✅ Pag may newbies, recommended ang 1:5 ratio ng guide at joiners. Mas okay yung may sweeper para may support yung mga nasa hulihan. ✔✔✔ . ✅ Magdala ng maraming tubig, lalo na pag overnight. Yung 2.5 liters na dala ko e hindi umabot kinabukasan (ginamit din sa pangluto yung tira). Si Tatay John na guide namin eh sobrang bait at kinuhanan kami ng tubig mula sa water source. 😢💦 . ✅ Magdala ng jacket, panlaban sa lamig at init. Sa umaga, hindi mo mararamdaman masyado yung init ng araw kasi presko ang hangin pero yung mga kasama ko, nagka-sunburn sila ☀😂 . ✅ O basta marami pa kaming tips sa inyo, pati sample itinerary, yung budget, at contact details na need i-save. 👌 . ✅ Check nyo na lang ito https://chamtravels.com/mt-ugo-itinerary/ . Salamat po! 🙏 . #mtugo #mtugo2019 #mtugoitinerary #diymtugo #diymtugoitinerary #tinongdan #itogon #benguet #phmountains (at Mt. Ugo Summit) https://www.instagram.com/p/BypJ_h-lUZY/?igshid=1fjoo93ztli5a










