One Year of BEST Friendship <3
Habang naghahanap ako ng mga picture mo para sa kaechusang gagawin ko, pansin ko lang, sa ilang months na lumipas napuno na agad yung album mo ng mga happy moments mo with tropa. Masaya ako kasi masaya ka kasama nila. Pero parang MAS masaya tignan yun pag tayo yung magkasama dun. Hahahaha. Salamat kasi welcome ako sa tropa nyo. Di ako ilang pag magkakasama tayo. Siguro ganun naman talaga. Matututunan mong mahalin yung mga taong minamahal ng mahal mo. Hanuraw? Hahahaha. :D
Two.Ten.Fifteen. Isang taon na yung lumipas nung nag decide tayong magkaroon ng monthsary. February nun. Nakaupo tayo sa labas at kumakain sa corridor. Nang maisipan nating magkaroon ng monthsary. 15 (birthday mo) + 5 (birthday ko) = 20. 20 / 2 (kasi dalawa tayo) = 10. Tadaaaaa. 10 na 'yung monthsary natin. HAHAHAHAHA. Simple math. Nakooo. >3< Thanks kay Ma'am Famorcan. Kay Ma'am Borja lalo na kay Ma'am Maraggun. :D kaya kung isasama pa natin yung mga months kung kelan binubuo natin ang ating kapalaran, tsss. Lagpas 1 year pa ata. Pero di naman nasusukat yun dun eh. Pero at least, we're official na. Chos!
IRISH PANGILINAN PIANGCO. Cute. Maliit. Malaki ang toot. Hahahaha. Malaki ang pisngi. Matalino. Mabait. Makulit. Masipag (weh?). Maraming nagmamahal. Mabaho. Hindi naliligo pag walang pasok. Minsan kahit may pasok, di pa rin naliligo. Kainggit yung buhok. Kahit hindi nagsusuklay, maayos pa rin. Samantalang ako, kahit nagsuklay na, wala pa ring nagbago. Maraming nagmamahal. At higit sa lahat, ang BESTFRIEND ko. :D gusto ko man kitang solohin. Gusto man kitang ipagdamot. Gusto man kitang isako at gawing stuffed toy, hindi ko pwedeng gawin yun. Kasi di ka naman bagay na dapat gawan ng ganun. Hahayaan ko silang lambingin, harutin ka nila sa harap ko. Kakaselos man, matatanggap ko. Pero wala naman sanang agawan. LolXD hahahaha. Possessive man pakinggan pero ganun talaga :D
Di man tayo madalas magkita. Kasi nga maitim ako at maliit ka. Di man tayo madalas nakakapag-usap nang personal. Kasi nga di naman tugma sched natin. Di man tayo nakakapagkumustahan kahit through fb, twitter o viber. Kasi nga, busy ka, busy rin ako. Alam naman natin by thoughts and by heart na mag BESTFRIEND tayo. Na tayo ang tunay na mag beh. Na tayo ang tunay na jejemon. Na tayo ang tunay na magkapatid. O.o nyahahahaha. Ayaw pa? Oo na, lugi ka na. XD
HAPPY ANNIVERSARY BEH. Isa kang napakaliit (literal jk) yet bonggang blessing na binigay ni God. Mahal na mahal kita, alam mo 'yan. Ingat ka lagi :">