Totoong buhay? Ito ang buhay sa labas ng unibersidad, may pamilya, may trabaho, may mga kaibigan at barkada. Sabi mo sa totoong buhay, hindi pwedeng magfocus lang sa isang bagay. Tinanong mo pa ako "Paano kung kailangan ka ng pamilya mo pero may kailangan ka pang gawin sa trabaho mo? Tapos may hangout pa kayo ng mga barkada mo?" Napa-oo nga no ako. Sandali mong naiba ang isip ko at pinaniwalang hindi dapat magfocus sa isang bagay, sa acads.
Ngayon, ito ang sagot ko sa napakawalang kwenta mong analogy. Kumplikado na ang buhay. Kumplikado rin ang buhay estudyante. Malayo pa ang pagdadaanan ko. Kung sa tingin mo bilang estudyante ay hindi ko matututunang magmanage ng oras, mali ka. Bawat pangarap may kanya kanyang panahon. Ngayon bilang estudyante dapat grumaduate muna, malamang kailangan kong magfocus sa academics para grumaduate. Kung hindi ka magfofous sa iisang bagay, anong matatapos mo? Kailan ka pa matatapos? Hindi ko kailangang magpakadakila sa mata ng mga tao. Ang kailangan ko ay idakila ang mga bagay na dumarating sa aking buhay.
Sa buhay may pamilya, may trabaho at barkada, ibang panahon na iyan. Kung iisipin ko yan ngayon bilang isang estudyante pa lamang, baka hindi ko maabot ang panahon na iyon. Ano ako excited masyado? Kaya naman ito ang huling sasabihin ko sayo, HUWAG KANG MAKULONG SA SARILI MONG PANINIWALA.