*sa totoo lang, except for my friends ... wala ng ibang tumutulong sa kasal .. well, except for my dad who gave us financial help and my sister who gives us advice regarding the wedding preps. Pero as far as other people, lalo na sa side ni groom, wala manlang nagtatanong kung kumusta kami or kung kailangan ba namin ng tulong. Naaawa na nga ako sa groom ko e, kasi solo nya yung gastos. Super stressed na siya, kaya kahit labag sa loob ko yung mga tambay-tambay niya with his tropa ... pinagbibigyan ko na kasi stress-reliever din, panget naman yung puro trabaho lagi iniisip. Kahit naman hindi financial help, kahit manlang sana kumustahin siya, or maging excited sa kasal ganun .. kaso ewan .. siguro .. excited sila .. pero di lang ramdam .. baka pag malapit na, or baka next year ma excite na sila! hahahaha! Isang couple lang yung super excited for us sa side niya, si Tita Lalay at Tito Isang ... na lagi kami kinukumusta at super excited para sa aming dalawa. Yung iba .. ewan! Parang feeling ko naiwan kami sa ere ganun, pero feeling ko lang naman yun! hehehehe . . . parang dahil ako yung papakasalan niya, siguro akala nila madami akong pera! HAHAHAHAHA .. di nila alam struggle din kami dito kasi wala naman talaga kaming stable income ... honorarium lang. Kung ano yung meron, kung meron sobra, yun lang yung sa amin. Pero God is good kasi hindi man sobra-sobra yung meron kami, pero sapat pa din para sa everyday needs namin. Pero ang saklap lang talaga na walang tumutulong. Buti na lang may mga kaibigan ako na anytime pwede ko sila istorbohin if may mga gumugulo sa utak ko. Anytime pwede sila i-chat, pwede sila yayain, pwede sila kausapin para maibsan naman yung iniisip namin .. kasi sa totoo lang, ang hirap! Kung alam ko lang na ganito, hindi na sana binonggahan ng husto .. same venue, same details pero para sa mga taong nandun lang talaga para sa amin, kaso hindi naman pwedeng ganun. Parang ang saklap, na rewardan pa yung mga tao na hindi naman talaga todo suporta at di ko masyado ka-close! HAHAHAHA .. pero syempre pag dating ng wedding day, lahat enjoy .. so ok na yun! HAHAHAHAHA .. Sabi din ni groom, regalo na namin sa sarili namin kasi nga ang dami namin pinagdaanan, ang tagal namin nagtago, matagal namin to pinangarap kaya wala naman siguro masama na i-todo yung celebration. (and the fact na mahilig kasi sya sa party! hahahaha) Pero I agree with him, kasi minsan lang naman to, hindi naman na mauulit, hindi din naman kami magarbo gumastos yearly. Hindi kami super oa kapag anniversary namin, low key lang ... spa na nga lang masaya na kami e, ya know, titos and titas na! HAHAHAHA! Nagrarant lang ako, na naman! Kasi stressed na ko! Lalo na ngayon, simula na ng bayaran .. hello reality na! Yung ineexpect kasi namin dapat na budget, mejo nagka-aberya ... pero ok lang naman .. kahit unti-unti nababayaran namin yung mga kelangan bayaran. Basta ang usapan namin, 50-50 kami sa lahat ng gastos, pero minsan, sumosobra siya sa bigay. Basta kapag meron siya, binibigay niya agad para sa mga down payments, reservation fees .. etc. Todo kayod kami ngayon, mahirap! Sobra! Parang sasabog na yung utak namin! Pag titingnan ko yung budget namin pati yung kelangan bayaran parang, minsan sabi ko sa kanya, ano wag na? Jollibee na lang? HAHAHAHA ... Pero ganung talaga .. If you really want something, you gotta work hard for it, you gotta earn it! Bakit ganon? Kasi mas worthwhile kapag pinagpaguran! Mas ma appreciate mo yung kung anong meron ka kapag pinaghihirapan. Alam ko, in the end, makakahinga kami ng maluwag, kasi fruit talaga ng labor namin, labor of love ‘tong kasal namin! At alam ko naman na hindi kami pababayaan ni Lord. He’s the ultimate source and we thank Him everyday sa favor at blessings na binibigay niya sa amin. Tulad nga ng lagi ko sinasabi, kapag madali ... hindi masaya, walang thrill. Kapag walang hirap, walang appreciation. Kapag petix lang, hindi worthwhile! Itong phase na ito, itong pinagdadaanan namin, alam ko may gusto ituro si Lord sa amin. I’m just happy kasi kahit mahirap, he’s in it with me. Pareho kami nahihirapan, may part sya, may part din ako! And again, I am super grateful for my friends; Kat, Kimi & Choi ... for always being there for us when we need them the most. Hindi nila alam sobrang naappreciate ko bawat suggestions nila. My friends are brutally honest and that’s what I want and need. Kasi ayoko talaga nung paligoy-ligoy pa, mas madami ma-achieve kapag straight to the point! If they don’t want something, sasabihin nila agad sa kin, and ang maganda kasi dun, pare-pareho kami ng trip, pare-pareho kami ng taste ... nagkaka intindihan kami kahit puro “kwan” at “ano” lang yung sinasabi namin! HAHAHAHAHAHA! Alam ko, pagdating ng kasal, iiyak din sila ... ahahahaha .. kasi parte sila ng hirap at pagod! And I just pray everyday that God would continue to bless them, sa kahit ano man aspect ng buhay nila. Praying for favor and kung ano man yung deepest desire ng puso nila, I pray na tugunin ni Lord yun. And sana, pagdating ng panahon, I could return the favor to them, kahit in the smallest things lang. Hindi ko talaga alam gagawin ko kung wala yung input nila, I trust their judgment. Hindi ko na pwedeng guluhin pa si groom .. kasi ayoko na problemahin pa nya yun dahil sumasakit na daw ulo niya kada sasabihin pa na “bayad” at “gastos!” HAHAHAHHAA