Myrtle vs. Karen: The Ultimate Rivalry?
So nagsimula ang lahat nang nagbukas muli ang Bahay ni Kuya para sa 4th season ng PBB Teen Edition. 15 teenagers from all walks of life ang nagsama-sama para manirahan sa Bahay ni Kuya for almost 4 months. Binigyan nila tayo ng moments na nakakatuwa, nakakatawa, nakakaiyak, nakakainis, at nakaka-inspire. Nagalit man tayo sa mga maling nagawa nila, tumutok pa rin tayo sa kanila hanggang huli (AMININ!).
Pero alam nyo kung ano talaga ang nakakuha ng atensyon ko? Ang namumuong rivalry (daw) between Myrtle and Karen. Wala silang kamaly-malay, nag-aaway na pala ang mga fans nila sa outside world.
Si Myrtle, widely known as a cosplayer, ay nakatikim ng biglang sikat buhat na rin ng anime fans ang sumoporta sa kanya. At during her stay, kahit na maraming pang-aalipusta at panghuhusga ang inabot nya, she still remained calm, collected and strong. Pinatunayan nya sa lahat na hindi lang sya basta cosplayer, kundi isang kabataang may ipagmamalaki sa lahat.
Karen, on the other hand, ay hindi nalalayo kay Myrtle. To be honest, noong una, ayaw ko sa kanya. Unang week pa lang kasi, kung ano-ano na ang isyu about sa kanya, specifically dahil sa kanyang pagiging "prangka". But I was wrong in disliking her. After a few weeks, nakita ko ang unti-unting pagbabago ng ugali nya. Mas naging open sya sa mga nararamdaman nya, mas friendly, mas masiyahin and very honest na sya.
During their last weeks sa PBB House, mas tumitindi ang laban between their fans. And that's when the Big Night came. Lahat ay kinakabahan sa magiging resulta.
At yun na nga, si Myrtle ang tinanghal na Big Winner while si Karen ay 2nd Teen Big Placer.
Myrtle Fans = Todo celebrate. Karen Fans = NGANGA. Sabayan pa ng walang humpay na pambabatikos.
That same night, bumuhos ang pambabatikos kay Myrtle. Nagtrending pa nga sa Twitter ang #HindiKaDeservingMyrtle. Nakakapagtaka lang, bakit andaming ayaw kay Myrtle? Dahil ano?
Malandi? No, she doesn't even act like that. Nakabukaka lang sa pic, malandi na agad? hindi na agad virgin? BOBO naman ng mga taong nagsabing ganun sya.
Laging naka-makeup? Eh cosplayer sya eh. Part talaga yun ng pagiging cosplayer. Ano naman kung araw-araw ganun? Gusto nya eh. Respeto na lang.
Eto ang main aim ng post ko. WHY COMPARE THEM?
^ Isa lang ito sa sandamakmak na comapring pics na nakita ko sa Facebook. At dahil nakuha ko ito sa isang Karen Fanpage, syempre si Karen ang lamang.
At ito ang sample ng isa sa mga hate post kay Myrtle. Sinasabi nilang walang kabuhay-buhay ang acting ni Myrtle sa Kahit Puso'y Masugatan.
Magpapahuli ba ang mga Myrtle Fans? Tingin nyo ba palalampasin nila to? Eto ang resbak nila.
Tsk tsk tsk...kaya hindi natitigil ang war na ito eeh. Gantihan ng gantihan. Pero ang tanong: SINO ANG TOTOONG NAGSIMULA NG GULO? According sa mga Karen Fans, ang Myrtle Fans daw kasi nilalait din nila si Karen. Ayon naman sa Myrtle Fans, Karen Fans ang nagsisimula. Lait daw sila ng lait kay Myrtle, wala namang basehan. At eto pa, well-mannered at may pinag-aralan ang admins ng Myrtle Fan Pages kaya hindi daw nila magagawa ang ganun.
I don't take sides. Ang sa akin lang, mali pa rin ang ginagawa ng fans. Oo, may kalayaan tayong sabihin ang saloobin natin, pero dapat natin itong gamitin sa tamang paraan. Sa paraan na hindi tayo makakatapak ng ibang tao. Sa paraang hindi tayo makakasakit ng iba. Sa paraang mas may katuturan ang idinadaldal natin.
One more thing: What do you get in bashing others? May napapala ba kayo sa panglalait ng iba? Yayaman ba kayo dun? Or sadyang mga sadista lang kayo na nasisiyahan na nagagalit sa inyo ang Fans ni Myrtle/Karen? Ang babaw na dahilan naman kung ganun. Katangahan na ang tawag jan. It's so lame. Just get a life.
Payo lang sa ibang Fans: Past is past. Nangyari na ang dapat mangyari. Wag na nating ipilit ang ang dapat na mangyari. Myrtle wins because of majority votes. If you really wanted Karen to win, sana nag-focus kayo sa BBS ni Karen, at hindi sa BBE ni Myrtle. Tapos ngayon, nagrereklamo kayo? And please, kung wala rin naman kayong magandang sasabihin (either kina Myrtle or Karen), just shut your mouth and keep it to yourself. Nobody wants your dirty opinion. Ayaw nyo ng gulo? Then SHUT UP. Ganun lang kasimple.
Kung matututong manahimik ang lahat, edi sana hindi lumalala ang gulong ito. Nasa-sainyo naman yun kung titigil kayo eeh. I don't have the right to stop you. Sino ba ang magmumukhang nakakahiya? KAYO, diba? I'm just stating my opinion on the issue. Nakakabagabag lang kasi. Kinakawawa nyo ang isang taong nagsusumikap matanggap ng lahat. Hate to admit, this country is full of judgmental people. Nakakainis, pero totoo.
Kung ano man ang kahihinatnan ng gulong ito, I depend it all to God. I wish talaga na magkasundo na lang ang lahat para hindi na nagkakaroon ng misunderstandings. :)













