Ngunit
Hindi ka nararapat
Pagkat ikaw ay isang tuksong paulit ulit,
pabalik balik
na animoy nananadya, nanunudyo
sa aking isip at damdamin.
Dapat ka nang iwasan
Pagkat ikaw na lamang ang aking
Nakikita sa umaga
Ang kasiyahan koy sayo na nakasalalay
At pag ikaw ay wala at kapiling mo sya
Ako'y halos magwala at magpalahaw
Ngunit...
Hindi ko alam bakit tila nananadya
Ang mundong ibabaw at lahat ng puwersa
Kung bakit sa gitna ng kapighatiang dulot mo
Ay sya rin kapayapaan ng puso ko sa tuwing ikaw ay kasama.
Ngunit hindi na talaga maaari
hindi na natin maiaayos pang muli
Pagkat ang mali ay mali
At ang nakatadhana'y hindi ko mababali.






