COLLEGE 101
Pinakanakakairitang part pala kapag college ka na ay yung releasing of grades. TOTALLY NOT THE FINAL EXAMS. Though sa amin hindi siya class card, AYUN NA NGA ANG NAKAKAIRITA SA LAHAT. Yung kasing presyo na nga ng ginto yung tuition fee (tho im not paying) medyo palpak pa rin yung sistema. Ine-expect ko yung best service kaya lang parang worst pa. Mas okay pa yung nakasulat sa card eh at least less stress. Eh, ano ngayon! Ang tagal-tagal. Maghihintay ako ng ilang araw pa para lang mawala yung kaba ko. WHUT? Kinakabahan ako paano na kapag hindi na ako scholar, ano saan ako kukuha at gagawa ng paraan para makabayad sa mismong pasukan? -_-










