paano.jpeg0
seen from Australia
seen from Russia
seen from Russia

seen from Germany
seen from Venezuela

seen from United States

seen from Canada

seen from Australia
seen from United States

seen from India

seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from Malaysia
seen from Canada
seen from Indonesia
seen from United States

seen from Canada

seen from Australia
seen from China
paano.jpeg0
Paano???
paano kita kakalimutan kung sa lahat ng gagawin ko ikaw ang naaalala ko
ang gusto kong makausap paggising sa umaga at ang pinapangarap na makaakap habang nakapikit ang mga mata
sabay nagplano at nangarap sa bubuuin nating pamilya
ang dating akala ko ikaw na
mawawala pa pala
at paano? paano ko haharapin ang bukas na hindi iniisip na pinalaya na kita?
May liwanag sa dulo ng madilim na pinagdadaanan mo
Tiwala lang, Maniwala lang
Paano? Ang hirap kumawala.
Paano nga ba kita makakalimutan? Paano nga ba ako babangon sa memoryang, ‘ang mundo mo'y saakin lang nakalaan’? Paano nga ba ako lalaban sa katotohanan na tuluyan mo na akong nilisan?
Ang hirap. Ang hirap bumangon sa araw-araw dahil alam kong wala ka na. Ang hirap kumain ng mag-isa habang naa-alala ko na araw-araw ay sabay tayong dalawa. Ang hirap, ang hirap huminga habang iniisip ko masaya nating pagsasama.
Gusto ko nang kumawala. Gusto ko nang kumawala sa lungkot na nadarama. Gusto ko nang kumawala sa gabi-gabing pag-iyak hanggang sa mag umaga. Gusto ko nang kumawala sa kapit ko dahil iniisip kong maisasalba ko pa. Gusto ko nang kumawala sa mundo nating ako nalang pala ang natira. Gusto ko nang kumawala sa mga ala-ala, sa mga masasayang memorya, sa mga ngiti at tawa, sa mga ‘miss na kita’, sa mga 'ikaw lang diba?’, sa mga 'wala naman akong iba’, sa mga… sa mga 'mahal kita’ yun pala ang kasunod ay, 'minahal kita, pero ngayon may mahal na akong iba’.
Paano? Ang hirap. Gusto ko nang kumawala. Parang-awa mo na.
Paano nga naman matatapos ang mga bagay na hindi naman nag-umpisa?
Paano
Paano nga ba ako magsisimulang muli? Yan ang tanong na paliging tumatakbo sa aking isip, Katulad ng kung paano ka nanatili sa puso ko ng paulit ulit. Paano ko ba bibitawan, meron nga bang nasimulan? Paano ko sasabihing 'tapos na' kung nung una palang, May tayo ba? Paano? Sabihin mo sa akin, Dahil masakit na. Paano ko kakalimutan kung walang araw na hindi ko maalala. Paano ako titigil? Sabihin mo sa akin kung paano kalimutan ka. Paano kalimutan na mahal kita? Paano kita bibitawan ng hindi ako masasaktan?
How to post this
💬 0 🔁 109 ❤️ 575