Kapag wala ng upuan sa mga restaurants.
Iba ang advantage ng my kasama, kasi yung isa pwedeng mag abang ng mga upuan habang yung isa naman eh umuorder na. Nakakatamad mag abang lalo na gutom na gutom ka na, walang maupuan + mahabang pila eh dehins na dehins talaga, minsan iisipin mo nalang na mag master siomai ka na lang.
Nasa kultura na ata talaga ito ng tao ang ganitong teknik, give and take ika nga, minsan magkakahiyaan pa kayo nung isang ka kompetensya mo dahil hindi niyo alam sa isat-isa kung sino ang nauna.
Kaya iba pa rin kapag may kasama ka, kaya kapag kakain ka siguraduhin mong may kasama ka, mahirap kumain ng nag iisa, hindi mo ma eenjoy ang benefits ng magandang ambience ng mga fastfood chains o kaya naman mga restaurants. Ayun na kasi yung isa sa binabayadan mo dun eh, yung aircon at yung tambay, kaya medyo mahal ang pagkain.









