Dapat ko bang ayusin mga pinopost ko? Mukhang basurahan eh. Sa sobrang random, parang kung ano anong bagay ang itinatapon dito. Mapa nabubulok at hindi nabubulok, magkahalo. Ambaho. Nakakahiya. Parang binabastos ko ang tumblr. Sorry.
Tapos napag isip isip ko bigla na, bat ako magso sorry? Personal blog to. Di naman ako yung tipo ng blogger na for entertainment, information, at kung ano ano pa. Another persona ko ang tumblr. So lahat ng andito ay konektado kung anong nasa loob ko, kung anong nasa isip ko, at kung sino ako. Kung mukhang basura man ang content, haha ako to eh.
Skl.










