Nauubos
"NAUUBOS"
Tara at magbilang, teka parang kulang
Kulang na ang mga nakangiting mga labi
Tila nauubos na ang binuo nating lahi
Teka parang kulang, halika at magbilang
Iisa ang kadalasan nilang tugon at rason
Isa taong sanhi ng nakakamatay na lason
Isang taong nasa tuktok ng piramideng
ginto
Iisang taong sarado at salat sa pakiki-
tungo
Dalawa hindi ba ang kailangan upang
umindayog?
Dalawang parteng dapat iisa ang
hinuhubog
Dalawang kamay na dapat sa anuman ay
magkatuwang
Dalawang partidong walang dapat
nakalalamang
Sa paglitaw ng tatlong bagong puwang
Tatlong haliging dating matatag na
sandalan
Unti-unting guguho sa tatlong linggong
pagitan
Kapapa sa dilim sa susunod na tatlong
buwan
Makukulong na lang ba ang diwa sa apat
na pader?
Patuloy bang dadanak ang pula at kahel?
Sa kaapat bang yugto magbabago ang lahat?
Dahil sang malaking balita ang sumambulat
Isang taong dumanas ng hirap at pasakit
Dalawang hakbang sa dulong papalapit
Tatlong salitang, "Mayroon ng kapalit"
Tila nabunot ang nakatarak na apat na tinik
Teka parang kulang, ito na ang hinihintay
na kabawasan
Hindi na maibabalik ang mga nawala
Ngunit nanunumbalik ang saya sa mukha
Tara at magbilang, kasabay ng mga nalagas
ay ang iyong paalam













