All this time akala ko ako ang may mali, pilit ko tinatatak sa sarili ko na madami akong pagkukulang sayo kaya ka bumitaw. Little did I know meron kana palang iba kaya sumuko ka nlng ng ganun kabilis. Sobrang sakit. Hindi ko naman inasahan yun.. "Love" yan ang tawagan nyo. parang binuhusan ako ng malamig na tubig nanginginig buong katawan ko. Bakit mo nagawa sakin ito. Sayang..sayang ang more than 3 yrs. sobrang dami na nting pinagdaanan na hirap at pagsubok nalagpasan natin yun pero bakit bumigay ka, bumigay ka sa kanya. Akala ko ba matatag ka..tayong dalawa. Hindi ka naman ganyan dati o siguro sadyang ganyan kana tlga. Lahat ng sinabi mo kinain mo. Lahat ng ayaw mo ginawa mo. Sobra sakit, para akong sinasaksak ng paulit ulit. Ang hirap mabuhay ng ganito. Paggising ko iiyak na naman ako parang kagabi lang nakatulog nako sa kakaiyak. Tapos eto na naman isasampal sa mukha ko ang katotohanan na ginago nyo ko.













