Tayo ‘yong magkaibigang kapatid ang turingan
Klik na klik tayo sa mga gimik at daldalan
Hating kapatid sa pagkain, grades at pera
Pero ‘di ako nainform, pati sa boyfriend ko ka-share din kita.
“Bes, sorry” sabi mo no’ng nahuli ko kayo
May gana ka pang magsorry eh alam mong boyfriend ko ang kinakalantari mo
“Pero bakit Bes?” gulong tanong ko
“Na-in love kasi ako” ang kawalang hiyaang sagot mo.
Malandi, maharot, makati
Tinuring pa naman kitang ate
Masakit na dito na magtatapos ang pagkakaibigan nating ito
Mahirap kasing maki-hating kapatid sa bestfriend mo,
Lalo na kung boyfriend mo, pinaghahatian nyo
PS. kung paano mo nilandi boyfriend ko? nasa link sya gaga.
Picture credit: facebook.com/SoFlo














