Impluwensya ng Telebisyon
Manunulat: Janel A. Maraguinot
Isa sa pinakaimpluwensyal na teknolohiya ang telebisyon. Hindi lamang sa mga social media accounts nakakakuha ng impormasyon ang mga tao kundi pati na rin sa mga napapanuod sa telebisyon. Ngunit paano nga ba nakaiimpluwensya ang panonood ng telebisyon sa lipunan? Ang telebisyon ay ginagawang libangan hindi lamang ng matatanda kundi pati na rin ng mga kabataan. Ang teleserye ang pinakaimpluwensyal na libangan sa mga manonood. Hindi lamang sa aral na matututunan kundi sa kung paano nito mababago ang pananaw ng manonood. Maaaring maging positibo ang pananaw ng manonood at maaari din namang maging negatibo. Kung ang palabas ay ayon sa edad ng kabataan, maaaring maganda ang maidulot nito hindi lamang sa kaniyang buhay kundi sakaniyang paguugali. Maganda din ang magiging impluwensya ng telebisyon kung ito ay puno ng impormasyon na maaaring makatulong sa pagpapaunlad ng kaisipan ng mga kabataan. Isa sa dahilan kung bakit nagiging negatibo ang impluwensya ng telebisyon ay dahil nakatuon lamang ang atensyon ng mga kabataan dito at hindi na sila nakakapag-aral. Isa pa sa dahilan kung bakit naging negatibo ang impluwensya ng telebisyon sa kabataan ay dahil hindi nila sinusunod ang payo ng MTRCB kung saan bago magsimula ang pelikula ay nagpapayo muna sa mga manonood kung ano ang nilalaman ng mga palabas. Ang panonood ng telebisyon ay mayroong malaking epekto sa mga manonood. Nababago nito ang pag-uugali ng isang tao. At kung hindi natin susundin ang payo ng MTRCB, maaaring mas maging negatibo ang impluwensya ng telebisyon sa kabataan dahil sa mga tema na pinapalabas.











