Hi cuteness IKONTV this April 21 on Vlive and Youtube! Lets get it international fans! I hope its eng subbed

#dc#dc comics#batman#bruce wayne#dick grayson#dc fanart#dc universe#tim drake#batfam#batfamily



seen from United Kingdom
seen from Macao SAR China
seen from Germany

seen from China
seen from United Kingdom

seen from Russia

seen from Italy

seen from Italy
seen from Germany
seen from China
seen from United Kingdom
seen from China
seen from Germany
seen from Hong Kong SAR China
seen from Netherlands
seen from Poland

seen from Italy

seen from Australia
seen from United States

seen from Italy
Hi cuteness IKONTV this April 21 on Vlive and Youtube! Lets get it international fans! I hope its eng subbed
Telebisyon – Susi sa kamalayan ng bawat mamamayan
Manunulat: Ted Marius U. Delos Reyes
Sari-saring balita ang nakakalap sa panahon ngayon. Maaaring mapulot ito sa pamamagitan ng ibat-ibang uri ng midyang pang-masa patikular na ang telebisyon. Bagamat may iba pang uri nito, gaya ng social media (facebook, twitter at iba pa). Ang isa sa mga tunay na makukuhanan ng sapat na impormasyon ay ang telebisyon. Napakahalaga ng gampanin ng telebisyon sa pamilyang Pilipino sapagkat ito ay naging parte na ng kanilang pang araw-araw na kabuhayan at nagsisilbi na ring isang mahalagang pangangailangan. Sa panahon natin ngayon, hindi maikakaila na maraming mga sakuna at pangyayari na nagaganap mapaloob o labas man ng bansa kaya’t mahalaga ang magkaroon ng kamalayan sa araw-araw at yun ang tungkulin ng telebisyon.
Nakasanayan na nating mga Pilipino ang panonood araw-araw ng telebisyon hindi lang dahil para maaliw kundi para narin malaman kung anu-anong mga balita ukol sa kalagayan ng panahon, kabigatan ng trapiko, kataasan o kababaan ng pananalapi, at marami pang ibang mga issue na kinakaharap ng bawat pamilyang Pilipino. Dahil sa telebisyon, nagigiging mas alerto ang bawat Pilipino sapagkat ang telebisyon ang nagsisilbing gabay para mas maging protektado at nakatutulong ito upang makaiwas ng problema, tulad nalang noong kasagsagan ng bagyong Yolanda, bagamat nga maraming namatay noong panahon na iyon, hindi yun mas dadami sa kung hindi iyon ibinalita sa telebisyon. Malaking halaga ang telebisyon sa lahat ng tao sa mundo, dahil hindi lang ang mga pamilyang Pilipino ang nangangailangan ng kamalayan sa kung ano nangyayare at mangyayare sa kanilang mga bansa.
Sanggunian: “7 areas may experience signal number 4: PAGASAerience signal number 4: PAGASA” Retrieved from: https://www.youtube.com/watch?v=81iXRUmFK3Y
Impluwensya ng Telebisyon
Manunulat: Janel A. Maraguinot
Isa sa pinakaimpluwensyal na teknolohiya ang telebisyon. Hindi lamang sa mga social media accounts nakakakuha ng impormasyon ang mga tao kundi pati na rin sa mga napapanuod sa telebisyon. Ngunit paano nga ba nakaiimpluwensya ang panonood ng telebisyon sa lipunan? Ang telebisyon ay ginagawang libangan hindi lamang ng matatanda kundi pati na rin ng mga kabataan. Ang teleserye ang pinakaimpluwensyal na libangan sa mga manonood. Hindi lamang sa aral na matututunan kundi sa kung paano nito mababago ang pananaw ng manonood. Maaaring maging positibo ang pananaw ng manonood at maaari din namang maging negatibo. Kung ang palabas ay ayon sa edad ng kabataan, maaaring maganda ang maidulot nito hindi lamang sa kaniyang buhay kundi sakaniyang paguugali. Maganda din ang magiging impluwensya ng telebisyon kung ito ay puno ng impormasyon na maaaring makatulong sa pagpapaunlad ng kaisipan ng mga kabataan. Isa sa dahilan kung bakit nagiging negatibo ang impluwensya ng telebisyon ay dahil nakatuon lamang ang atensyon ng mga kabataan dito at hindi na sila nakakapag-aral. Isa pa sa dahilan kung bakit naging negatibo ang impluwensya ng telebisyon sa kabataan ay dahil hindi nila sinusunod ang payo ng MTRCB kung saan bago magsimula ang pelikula ay nagpapayo muna sa mga manonood kung ano ang nilalaman ng mga palabas. Ang panonood ng telebisyon ay mayroong malaking epekto sa mga manonood. Nababago nito ang pag-uugali ng isang tao. At kung hindi natin susundin ang payo ng MTRCB, maaaring mas maging negatibo ang impluwensya ng telebisyon sa kabataan dahil sa mga tema na pinapalabas.
Telebisyon bilang instumento ng pagbabago
Manunulat: Regin Louis K. Patulot
Ang telebisyon ay isa sa pinakakaraniwang pinagkukunan ng impormasyon at ginagawang libangan ng mga tao. Ito ang dahilan kung bakit hindi mawawala ang telebisyon sa bawat bahay. Kahit na maaring kumuha ng impormasyon ngayon sa iba pang media tulad ng pahayagan at internet ay tila mas gusto pa din ng mga tao na manuod ng telebisyon dahil dito nila mas malinaw na nakikita at naiintindihan ang mga bagay sa lipunan.
Ang katangiang ito ng telebisyon ay naging malaking tulong sa pagharap ng ating bansa sa iba’t ibang isyung panlipunan tulad ng kahirapan at kurapsyon. Ito ay dahil nagiging instrumento ang telebisyon upang mamulat ang mata ng bawat isa sa isyung ating kinahaharap at kapag namulat ang ating nga mata ay mahihikayat tayo na gumawa ng hakbang upang masolusyonan ang mga isyung ito. Isang magandang halimbawa dito ay naipakikita ngayon sa telebisyon ang isyu ng global warming at epekto nito sa ating buhay. Sa tulong ng telebisyon ay mas madali nating nakikita at naiintindihan ang isyung ito kaya naman mahihikayat tayo na gumawa ng aksyon upang maresolba ang isyu. Hindi lamang sa pagmulat ng mga mata nakatutulong ang telebisyon kundi mas malinaw at nakakaaliw na ipinapakita sa mga balita at teleserye sa telebisyon ang mga kamaliang nagdulot ng mga isyu kaya naman maituturo sa mga tao lalo na sa kabataan na wag itong uulitin.
Napakalaki talaga ng kontribusyon ng telebisyon sa lipunan sapagkat kung wala ito ay hindi magiging madali para sa atin ang maging buo sa paglutas ng mga isyu.
Sanggunian:
Tolentino, A. (2010, November 7). Kinomersyong Pantasya: Isang rebyu sa mga telepantasyang palabas. Retrieved November 20, 2016, from http://lihimnakwaderno.blogspot.com/2010/11/kinomersyong-pantasya-isang-rebyu-sa.html
Alvez, C. (n.d.). MTRCB CHAIR: “MAPANURING PAMILYA” SA TELEBISYON AT PELIKULA, DAPAT UMALINGAWNGAW SA LIPUNAN. Retrieved November 20, 2016, from http://dioceseofpasig.org/blog/mtrcb-chair-mapanuring-pamilya-sa-telebisyon-at-pelikula-dapat-umalingawngaw-sa-lipunan/
Marsden, B. (n.d). Family watching tv. Retrieved November 20,2016, from http://www.dailymail.co.uk/news/article-1058095/TV-nation-One-Britons-spend-14-YEARS-glued-telly.html
Telebisyon bilang Isang Mahalagang Elemento ng Lipunan
Manunulat: Ma. Eloisa Ann R. Legaspi
Sa kabila ng pag-unlad ng teknolohiya sa buong mundo, hindi mapagkakaila na bahagi na ng buhay ng bawat Pilipino ang panonood ng telebisyon; tila hindi buo ang kanilang araw kung hindi sila nakapanood dito. Sa pamamagitan ng kadahilanang ito, naisipan ng mga istasyon ng telebisyon na gamitin ito bilang isang instrumento upang mas mabilis at mas epektibong maipahayag sa bawat miyembro ng lipunan ang mga impormasyon, isyu at balita na lumalaganap sa lipunan.
Ang tema ng mga palabas sa telebisyon ay inaayon ng istasyon sa ninanais at sa tinggin nila ay kinakailangan ng mga manonood. Ilan dito ay news, reality shows, talk shows, teleserye at iba pa. Sa bawat temang ito ay may tinatalakay na iba’t ibang isyung panlipunan mapa-droga, kahirapan, korapsyon at trapiko. Lumalapit din ang iba’t ibang mga organisasyon sa mga istasyon ng telebisyon upang sila ay matulungan sa kanilang adbokasiya na tulungan ang mga kababayan nating kapos palad at maiparating ang hinihinging tulong sa lahat ng mga manonood na may kakayahang magbigay ng tulong. Isang halimbawa na lamang ng mga organisasyong ito ay ang “Bantay Bata 163” at ang “Sagip Kapamilya” na kung saan sila ay may sariling segment sa TV Patrol.
Napakalaking tulong ng telebisyon sa pagpapalaganap ng impormasyon ng mga organisasyong ito sa kadahilanang lahat ay may kakayahang makapanood ng telebisyon kahit saanman magpunta at mas nakakasigurado ang bawat indibidual na ang mga detalyeng ibinibigay ay tama o legit kung ikukumpara sa iba pang mass media tulad ng social media na kadalasan ay “scam” lamang.
Sanggunian: ABS-CBN News (2015) “ TV Patrol: Sagip Kapamilya, nagpaabot ng tulong sa Calumpit” Retrieved from: https://www.youtube.com/watch?v=Hi7GWCrO02c
Talde, F., Perez, M., Cervantes, R., Dela Cruz, D., Soliman, M., Viñas, M., Poblete, S. (n.d.), “Wika ng Telebisyon: Epekto at Kahalagahan sa Wikang Pilipino” Retrieved from: https://www.scribd.com/doc/104775135/Wika-ng-Telebisyon-Epekto-at-Kahalagahan-sa-Wikang-Filipino
Makabagong Teknolohiya sa ating Harapan
Manunulat: Joshua Rivera
Ang telibisyon napakadaming brand pero kahit ano pa iyon ay kukunin parin ito ng isang idibidual o pamilya. Ito’y isa sa libangan ng mga tao sa lipunan. Mayaman man o mahirap ay may telibisyon sa kanilang tahanan. Ang telibisyon ay napakaimportante sa tao dahil na nga lang sa impormasyong at aral na makukuha dito lalo na ang tungkol sa lipunan isang halimbawa ay ang mga krimen na nangyayari sa lipunan para malaman ng tao kung ano ang nangyayari sa bayan. Sa lipunan napakadaming isyu katulad na nga lang ng napakadaming krimen sa kahit saang parte ng bansa ito ay hinaharap ng mga polisya para matigil at mawala ang krimen sa bansang tinutungtongan pero patuloy parin ito dahil na nga lamang sa mga taong walang trabaho na naimpluwensyahan ng iba na gumawa ng krimen katulad ng mangisnatch, mangholdap at iba pa. Mayroong mga programa para ito ay mabangit sa lipunan katulad na nga lang ng TV Patrol, Bente Kwatro Oras at iba pa; ang mga programang ito ay nakakatulong sa mga tao para malaman kung ano ang nangyayari na sa lipunan at para mabigyang aral na maging maingat sa labas ng tahanan. Madaming tao ang nanonood ng telibisyon para makakalap ng impormasyon at sigrado akong sa isang araw ay makakakuha at makakakuha ng balita galing sa telibisyon kasi nnapakadaming programa napwedeng pag kuhanan ng balita. Kaya naman napakaimportante sa isang tao ang telibisyon, kung wala ito ay hindi makakapag ingat at maliliwanagan na hindi ligtas ang tao sa labas ng tahanan.
TV-mania " Ang TV at kung paano tayo nahuhumaling dito."
Image by ABS-CBN via ABS-CBN Lifestyle, dafont, Lambingan.ph
Ang telebisyon sa panahon ngayon ay nagsisilbing isa sa mga paraan para maaliw ang mga manunuod mapa-Pilipino man o taga ibang bansa. Ang telebisyon ay sumasakop sa malaking parte ng mundo, kaya naman taglay nito ang napakaraming mga salita at wika na matatagpuan dito katulad na lamang ang Ingles, Korean at syempre ang Filipino. Ang mga wikang ito ay siyang ginagamit para maaliw at magbigay ng mga importanteng impormasyon sa ibang mga tao. Ang mga palabas sa telebisyon ay mas makakakuha ng maraming manunuod kung nakukuha nito ang kanilang loob sa pamamagitan ng mga wikang ginagamit nila dito. Ang pagpili ng wikang ginagamit sa isang programa ay importante upang maintindihan ng mga manunuod ang mga napapanuod nila. Ang mga wikang ito, kung ibabase sa pagiging pormal, ay masasabing hindi epektibong naisulat o naisagawa dahil sa pagiging kolokyal o minsan ay balbal ng mga salitang sinasambit ng mga tauhan sa programa maliban lamang sa mga balita at dokumentaryong gumagamit ng pormal at panglalawiganin na antas ng wika. Ang matalinong pagpili ng mga tauhan na may kakayahang sumambit ng mga salita sa isang epektibong pamamaraan sa isang programa o teleserye ay isa ding magandang paraan upang mas maintindihan ito ng mga manunuod at para na din makakuha ng mas maraming manunuod.
Ang wika ay isang behikulo upang maipahayag ng isang tao ang kaniyang saloobin at damdamin tungkol sa isang bagay. Ang mga napapanuod din natin sa telebisyon ay maaaring katotohanan at maaari rin namang pagpapahayag lamang ng damdamin ng manunulat nito. Ito ang kapangyarihan at ginagampanan ng wika na hindi natin napagtutuunan ng pansin dahil sa tuwa at aliw ng bawat programa.
Isinulat ni: Christian Lobredo
WIKA SA TELEBISYON AT RADYO
Naging bahagi na nang pang-araw araw na pamumuhay ng tao ang pakikinig sa radyo at panonood sa telebisyon. Hindi maikakaila na halos lahat ay may-access na o gumagamit nitong uri ng pangmasang-midya o Mass Media. Sa bawat tahanan, ibat-ibang establishimento, at kahit sa mga sasakyan ay makakakita ng ganitong uri ng midya. Ngunit ano nga ba ang pangkalahatang epekto nito sa pamumuhay ng tao? Ano-ano ang mga magaganda at masasamang naidudulot nito sa mga estudyante? Sa negosyo? Sa bawat pamilya? Maituturing bang isa sa mga matagumpay na likha ng talino ng tao ang radyo at telebisyon?
Ang telebisyon at radyo ang nagsisilbing daan upang makapagbahagi sa malawak na bilang ng tao ng mga napapanahong impormasyon tungkol sa ekonimiya, politika,balita, lagay ng panahon, pampalakasan, relihiyon. Ito rin ang nagsisilbing midyum upang makapagbahagi ng ibat-ibang aliw o kasiyahan sa mga taga subaybay ng mga palabas sa telebisyon at mga istasyon sa radyo. Hindi na maalis sa pang-araw araw ang pagsubaybay ng balita sa telebisyon, pagtutok sa mga paboritong palabas at teleserye o di kaya naman ay pakikinig ng mga awitin sa radyo. Para sa mga estudyante, nagsisilbi itong dagdag na pamamaraan upang matuto ng ibat-ibang kaalaman. Samantala, ginagamit naman ng mga negosyante ang dalawang uri ng pangmasang midyum na ito upang maipakilala sa madla o sa nakararami ang mga produkto at serbisyo na kanilang ibinibigay. Sa pamamagitan ng kanilang mga advertisements na ipinalalabas o ipinaririnig ng paulit ulit, nakukuha nila ang atensyon ng mga mamimili. At sa huli, nagdudulot ng magandang epekto ang telebisyon at radyo sa bawat pamilya sapagkat nagsisilbi itong daan upang magkasama sama ang mga miyembro na manood ng mga palabas at makinig sa mga istasyon na siyang nagpapatibay sa kanilang pagsasama at nakadaragdag sa mga magagandang aral na napupulot nila sa mga nasabing pangmasang midya.
Sa kabila ng mga magagandang epekto ng telebisyon at radyo sa pamumuhay ng tao, meron din itong mga hindi magagandang naidudulot sa bawat isa. Una, nakaka epekto ito sa pagiging produktibo ng isang tao kung nakakain na ang oras at atensyon nito sa pag-gawa ng kanyang trabaho o mahahalagang gawain. Kung labis din ang pag gamit nito may mga epektong pangkalusugan partikular na sa mata at sa pandinig.
At huli, maari ding makapagdala ng mga masasamang impluwensya ang mga napapanood at napapakinggan ng mga bata lalong lalo na kung hindi sapat ang patnubay ng mga magulang o nakatatanda. Kasabay ng paglipas ng panahon, sumasabay na rin ang pagiging moderno ng mga pangmasang midya o mass media. Mas madali at mas mabilis na nitong naabot ang bawat isa. Tunay ngang hindi na maaalis ang katotohanan na bahagi na ito ng pang araw araw na pamumuhay. Ngunit sa huli, tama at kontrolado pa rin na pag gamit ang kinakailangan upang patuloy na umusbong ang telebisyon at radyo bilang uri ng pangmasang midya.
May akda:
Angela Louise Padilla