Hula 2017
Merong ka-officemate si Nanay na kaya kang hulaan. Actually more on mentality at personality ang hula niya. Ilalagay mo lang sa papel ang name at birthday mo tapos may mga personality na siyang mailalagay don tungkol sa’yo.
At first, sobrang ayaw namin ng ate ko na magpaganon. PERO! Ang tatay namin pinilit ang nanay namin na ipa-ganon kami! Mga dakilang chismoso/chismosa rin eh. Chars lang! Kinakabahan kasi kami baka biglang may malaman sila na super deepest darkest secret namin ng ate ko. So, ayon. Pag uwi ng nanay kahapon, nabanggit niya ‘yon. Binasa ko.
Unang una na nakalagay sa akin ay loner.. Well, it’s true. Ayaw na ayaw ko ang nakikihalubilo sa ibang tao lalo na kapag ngayon ko pa lang na-meet. Basta! Hanggat maaari, iniiwasan kong makipag-interact sa ibang tao.
Next is wise-spender.. Tama rin! Mula pagkabata, mula nang magkaroon ako ng baon sa school hanggat maaari lagi dapat may sukli. Nagkaron na rin ako ng malaking ipon. Ang asar nga sa akin ng nanay noon ay kuripot dahil sobrang kuripot ko raw. Namana ko yata sa tito ko ‘yon. Tsaka pinag-iisipan ko rin talagang mabuti kung bibilihin ko ba ang isang bagay o hindi. Tapos pag nabili ko na, pag sisisihan ko rin naman. Pag hindi ko naman binili, pagsisisihan ko rin. So, magulo talaga ako. HAHAHA!
Loves to read a lot. Likes to improve writing ability. Nag babasa ako, oo pero puro e-book. Pag libro kasi, naiinis ako dahil hindi ko siya mababasa pag nakahiga na dahil patay na ang ilaw kaya hanggat maaari mas pipiliin ko pa rin ang e-books. About don sa writing chenelou, I think that’s true. May private board kasi ako sa pinterest na puro about sa writing.
Fearful. Yes. Punong puno ng takot ang buong pagkatao ko.
Ayan ang ilan sa mga natandaan ko. Madami-dami pa ‘yon eh. At kung i-rate ko siya 10/10 siya dahil sobrang akong ako ‘yon!











