Bakit nga ba kahit paulit-ulit nyang ginagawa eh nagpapaloko ka naman? Kahit sinasaktan at pinagmumuka ka ng tanga may sabihin lang na kinaganda sa tenga mo okay na ulit. Badtrip yun di ba. Nakakainis na hindi mo alam anong trip nya sa buhay. Parang ginagawa nya lang yun kasi bored sya o gusto lang nya na magmuka kang tanga eh ikaw naman pinaninindigan mo din yang pagiging shunga mo. Tama na kasi? Wag mo ng pilitin at paasahin ang sarili mo na babalik pa sa dati o mas magiging maganda pa dun kasi sa totoo lang hindi na mangyayari yun. Nasaktan ka na ng maraming beses eh, malayo nanaman yung nahakbang mo TANTANAN MO NA. Pwede ba huling huling huli na to? Nabigyan mo na ng sangkatutak na pagkakataon sinayang binaboy at tinapon lang naman di ba. Punyeta tigilan mo na bago pa tuluyang bumalik ka ulit sa simula ok!