Kalma lang gelou. Hindi sya mawawala sayo, tiwala ka lang sakanya. Wag na magisip ng kung ano-ano, mahal ka non, mahal na mahal. May kanya kanya pa rin kayong buhay kaya siguro hindi ikaw yung priority. Saka hello, may family ka din diba, so dun pa lang sana maiintindihan mo na at nagtatrabaho yun para sainyo, sa future nio, kesa tambay sa kanto at walang ginawa kundi uminom. Wag ka masanay na laging iintindi yan sayo sa dahilanan ng mood mo, alalahanin mo tao lang yan napapagod din yan. Wag masyadong manakal di healthy sa relasyon yun! Okay. Basta kalma lang sa relasyon niong tumitibay. Wag immature. Tinutulungan ka na nga sa paggrow eh. So thankful ka pa na may ganyan pa ding lalake. Swerte mo na talaga, rare na sila! Hahaha.











