Perstaymer.
Perstaym ko ata gagawin to sa talambuhay ko shemay. Perstaym kong pupunta sa skul nang hindi magpapasama kay mama, sa kaibigan, o sa pinsan ko man lang.(Nung nag-enroll ako nung first yeat kasama ko mama ko) Perstaym kong lalakad mag-isa. Aasikasuhin ko kasi grades ko lilipat na kasi ako. Perstaym ko din mag-tetest mag-isa sa lilipatan kong skul. Ayaw kasi ako samahan ng pinsan ko. Pakdatshyet lang di ko alam kung kakayanin ko. Hindi kasi ako sanay na umalis nang wala man lang kasama kung malapit lang sana ang pupuntahan ko, okay pa, kaso ang layo. Perstaym talaga to!! Ayoko pa naman yung ako lang yung mag-isa sa pila at walang kausap. Basta hindi ako sanay umalis ng bahay na ako lang mag-isa.












