Ang panganay na anak ni Okonkwo na ikinakahiya niya sapagkat naihahalintulad niya ang mga katangiang taglay ng kanyang ama rito. Palagi siyang pinangangaralan ng kanyang ama dahil pangarap ni Okonkwo na umunlad at maging malakas siya upang maitaguyod niya ang kanilang pamilya.
May mga bagay talaga na kahit gaano man natin ito abutin ay sadya talagang hindi para sa atin. Nahanap ni Nyowe ang kanyang lugar sa bisig ng mga Puti nang niyakap niya ang Kristiyano. Doon tanggap ang mga itinuring na mahina at ang mga itinakwil ng lipunan. Sa tamang panahon, matatagpuan din natin ang lugar na nakalaan para lang talaga sa’tin. Kung saan hindi na natin kailangang magpanggap at ikubli sa lahat ang mga katangian nating tila kinasusuklaman ng mga mapanghusga. Huwag sana tayong mapagod maghanap. Darating at darating din tayo roon.












