Tatlong (3) Patron ng Obando NUESTRA SENORA DE LA INMACULADA CONCEPCION DE SALAMBAO SAN PASCUAL BAYLON SANTA CLARA DE ASIS
Ipininta ni Aris C. Bagtas

seen from United Kingdom
seen from United States

seen from United Kingdom

seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from Vietnam

seen from United States

seen from Italy
seen from Spain

seen from United States
seen from Netherlands

seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from Türkiye

seen from United States
seen from United States
seen from Austria
Tatlong (3) Patron ng Obando NUESTRA SENORA DE LA INMACULADA CONCEPCION DE SALAMBAO SAN PASCUAL BAYLON SANTA CLARA DE ASIS
Ipininta ni Aris C. Bagtas
:: Dubfire B2B Figueroa & Obando :: After party in Medellín, Colombia 🎉🔥🎶
Pages
In my search for justice and protection, I found myself in the pages of a book. I think.
I think I am currently in "Rhett Butler's People" by Donald McCaig. I went back to the old town of my mother and rapist.
Who is playing Rhett? William's? HAHAHAHAHAH
Mitchell's copycats, I want Ripley's. I want a cat. I want! I want! I want!
DALIT KAY SAN PASCUAL BAYLON
Pascual, iyong kabanalan Amin nawang matularan.
Sanggol ka pang gumagapang Nililisan ang magulang Santissimo'y dinadalaw Halimbawang sukat takhan Malaki mong kagiliwan Sa Eukaristiyang mahal.
Pascual, iyong kabanalan Amin nawang matularan.
Paskong Espiritu Santo Araw kapanganakan mo Gayundin kamatayan mo Ay nanginig ang impyerno Sa impyernong kasawian Nang 'makyat sa kalangitan.
Pascual, iyong kabanalan Amin nawang matularan.
Nuestra Señora de la Inmaculada Concepcion de Salambao
patron ng mga nangingisda, masaganang ani at magandang hanapbuhay
Nang malapit na sila sa sa Bayan ng Obando biglang umandar ang bangka. Dinala nila ang imahen sa Simbahan ng Obando at ito ang naging ikatlong pintakasi ng parokya sa paggalang sa Mahal na Birhen ng Salambao.
Ayon sa kasaysayan, noong madaling araw ng ika-19 ng Hunyo, 1763, ang magkapatid na mangingisda na Juan at Julian kasama ang kanilang kaibigang si Diego ay nakakakuha sa Ilog ng Hillingdon (ngayon at bahagi ng Malabon) ng isang imahen ng Inmaculada Concepción gamit ang lambat na tinawag na Salambao. Naghimala ang Birhen nang biglang huminto ang bangka nila at ayaw umandar ng bangka. Nang malapit na sila sa sa Bayan ng Obando biglang umandar ang bangka. Dinala nila ang imahen sa Simbahan ng Obando at ito ang naging ikatlong pintakasi ng parokya sa paggalang sa Mahal na Birhen ng Salambao.
Prayer to the Beloved Virgin of Salambao (English)
O Blessed Mother, Nuestra Señora de la Inmaculada Concepción de Salambao, pray for us faithful that are pleading in front of you for us to be worthy of your intercession for every hour of our lives.
With your motherly and immaculate heart, lead and oversee those individuals who live through the fishery, for the seafarers, and for all the devotees that hoping for your mercy and compassion. May your humility be our inspiration, grant us courage and strong faith that we may face the surges in our lives.
May our humble prayer, be bestowed that forgiveness may reign to the world to achieve peace we longed for.
May our Lord Jesus Christ be praised together with the Father and the Holy Spirit through you forever and ever. Amen.
Our Lady of Salambao, pray for us!
PANALANGIN SA NUESTRA SEÑORA DE LA INMACULADA CONCEPTION DE SALAMBAO (Tagalog)
Mahal na Birhen Maria ng Salambao, ipanalangin mo kaming naririto sa iyong harapan na nagsusumamo upang kami ay maging marapat sa iyong oagkalinga sa bawat sandali ng aming buhay.
Dala ng iyong kalinis-linisang pusong makaina, patnubayan at subaybayan mo ang lahat ng mga taong nabubuhay sa pangingisda, ang mga naglalakbay sa ilog at karagatan, at ang tanang umaasa sa iyong malasakit at tulong.
Nawa ang kababaang loob mo ay aming tularan at harapin namin ang daluyonf ng dagat sa aming buhay na may matatag na pananalik sa Anak mong si Hesus.
Sa aming abang panalanging ito, ang patawaran ay aming hiling na manaig sa buong daigdig upang makamtan ang inaasam na kapayapaan.
Sa tulong mo at halimbawa ay mapapurihan nawa namin si Hesukristong Panginoon, kasama ng Ama at ng Espiritu Santo, iisang Diyos Magpasawalang hanggan. Amen.
Mahal na Birhen ng Salambao, Ipanalangin mo kami!
Prayer to St. Claire of Assisi (English)
St. Claire of Assisi, we give praise and thanks to the Father for giving us the grace of life, especially yours that is full of sufferings and sacrifices for peace, unity, love and obedience to the Church.
Your deep adoration to the Blessed Sacrament became the path to distance yourself from worldly possessions, for the sake of the obedience to the will of our Lord.
Your example, sacrifices, and deep desire to live according to the will of God may encourage every Christian to holiness.
O most revered patron, St. Claire, help every childless couple that their prayer be granted. Give guidance to our humble town, our country, and the world to achieve the peace to everyone.
May we, who are hoping for your intercession, embrace true service and to offer ourselves for the sake of the Kingdom of God. May our Lord Jesus Christ be praised together with the Father and the Holy Spirit through you forever and ever. Amen
St. Claire of Assisi, pray for us!
PANALANGIN PARA KAY SANTA CLARA DE ASSISI (Tagalog)
Mahal na Santa Clara, pinupuri at pinasasalamatan ang Dakilang Ama sa biyaya ng makabuluhang buhay tulad ng sa iyo na punong puno ng pagpapakasakit at pagtitiis para sa kapayapaan, pagkakaisa, pagmamahalan at pagsusunuran sa Simbahan. Ikaw ay sumamba sa Santisimo Sacramento ma naging daan upang ilayo mo ang iyong sarili sa lahat ng bagay na makamundo, alang-alang sa pagsunod mo sa aral ng Panginoon. Ang iyong mga halimbawa mh pagpapakasakit, pagtitiis at madubdob na hangarin na mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos ay umakay nawa sa bawat isang Kristyano patungo sa kabanalan.
Mahal na Patronang Santa Clara, tulungan mo ang bawat mag asawa sa kanilang kahilungan na mabiyayaan ng supling ang kanilang pagmamahalan. Patnubayan mo at tulungan ang aming bayan, ang aming bansa at ang buong daigdig upang ang tunay na kapayapaan ay aming makamit.
Nawa, kaming umaasa at nananalig sa iyong tulong ay magtalaga din ng sarili sa paglilingkod at pagpapakasakit alang alang sa ikaluluwalhati ng Panginoon. Sa tulong mo at halimbawa ay mapapurihan nawa namin si Hesukristong ating Panginoon, kasama ng Ama at ng Espiritu Santo, iisang Diyos magpasawalang hanggan. Amen.
Sta. Clara ng Assisi, Ipanalangin Mo Kami
Prayer to St. Paschal Baylon (English)
St. Paschal Baylon, our patron, we give praise and thanks to the Father for giving you, for us to become our guide for our everyday life. You committed yourself to the Blessed Eucharist, so that the grace of life that God has given ispromulgated through your service.
May your love and respect to the to the Holy Sacrament on the Altar be felt on the minds and hearts of all members of the family, therefore the adoration on the Blessed Sacrament be our connection to each other to build oneness and unity to the church; so that we may serve God and His people in every hour of our lives.
Also, intercede for the prayers of the entire devotee who hope for God’s intervention. May your good example be the key of all the families in the community. May our Lord Jesus Christ be praised together with the Father and the Holy Spirit through you forever and ever. Amen.
St. Paschal Baylon, pray for us!
PANALANGIN KAY SAN PASCUAL BAYLON (Tagalog)
Mahal na Patrong San Pascual, kami'y nagpupuri at nagpapasalamat sa Ama dahil ibinigay ka sa amin upang maging gabay sa pang-araw-araw naming buhay. Itinalaga mo ang iyong sarili sa pagmamahal sa banal na Eukaristya upang ang biyaya ng buhay na kaloob ng Diyos ay paipalaganap sa pamamagitan ng iyong paglilingkod.
Tulungan mo kami uoang ang iyong pagpapahalaga at pagmamahal sa Sakramento sa Altar ay lalong pumukaw sa isip at damdamin ng bawat isang kabahagi ng mag-anak; Upang ang pamimuntuho aa Santisimo Sakramentong ito ay magbubga ng tunay na pagkakaisa, pagkakabuklod-buklod, at pagmamahalan sa sambayanan; at nang lalo kaming makapaglingkod sa Diyos at sa aming kapwa sa bawat sandali ng aming buhay. Dinggin mo rin ang wagas na panalangin ng nga taong umaasa at nananalig sa iyong tulong. Nawa ang iyong mga halimbawa ang maging susi ng ikababanal ng bawat mag-anak at ng buong sambayanan.
Sa tulong mo, mapapurihan nawa namin si Hesukristong ating Panginoon, kasama ng Ama at ng Espiritu Santo, iisang Diyos magpasawalang hanggan. Amen.
San Pascual Baylon, Ipanalangin mo kami.