Hugot braces 😃👽✌🏼️
Nagsisimula pa lang anjan ung sinasanay mo ung sarili mo. Pero sinasaktan ka na agad. Hndi mo namamalayan sanay k na sa sakit pero kailangan mong tiisin kase MAHAL. Pinapasaya ka, pinagmamalaki mo. Halos labas na gilagid kung makangiti. Kase isa siya sa naging parte ng buhay mo. Na nagpabago sayo. Ang nagpapangiti sayo. Hanggang di mo namamalayan habang tumatagal nagpapalit palit na siya ng KULAY at NAG AADJUST na. Minsan di mo maintindihan ung sakit na dinudulot sayo. Hndi mo alam ung gagawin mo kung hndi magtiis at manahimik. Minsan sa sobrang sakit na iiyak ka na lng dahil wala ka namang magagawa. Dadating ung time na maghihiwalay kayo. Kailangan mo na syanf tanggalin. Di dahil sa hndi ka na masaya pero dahil kailangan at un ang dapat. Maninibago ka dahil nakasanayan mong anjan sya lage. Pero kailangan mo ng masanay na wala na. Kailangan mo na ulit NGUNITI ng wala sya. Dahil din sa kanya nag bloom k at kahit anong mangyare naging malaking parte sya ng buhay at pagbabago mo.

















