Still writing a diary for 10 years till now. Mas gusto ko pa rin yung old school kesa gagamit ng app para makapagsulat ng update sa buhay and also the safest way to open up about everything kesa epost sa Facebook or dito sa tumblr lalo na sa mga sobrang personal and maybe because takot na rin akong magtrust lalo nat prone ako sa mga betrayal issues yung mga ganun. Ewan ko ba kung bakit napakaprone sakin yung ganung mga issues. Basta nagtitiwala lang ako and then yun nga may magtatraidor sakin out of the blue nang hindi ko man lang alam yung dahilan. Eventually they'll hate me ng hindi ko alam yung dahilan kung bakit, kung may nasabi ba ako na ikinagalit nila. Nagtataka rin ako kung bakit may mga tao talaga na mahilig manira ng ibang tao lalo na yung tahimik lang. Hindi na nga ako masyadong lumalabas, tapos one day may makapag open up lang sakin na may naninira sakin, kung anu-ano ang sinasabi as if kilala talaga nila ako. And now all I can say is, bahala na sila basta hindi ko sila nasaktan or kahit ano na ikakasira ng pangalan nila.