Stream 💖
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from France
seen from United Kingdom
seen from Türkiye
seen from United States
seen from Türkiye

seen from United States
seen from United Kingdom

seen from United Arab Emirates

seen from United States
seen from China
seen from United Kingdom
seen from Türkiye

seen from Poland

seen from Spain
Stream 💖
"Ikaw ang may hawak ng iyong oras" . . . facebook.com/kevinjone.camparecio instagram.com/kevinjone.camparecio twitter.com/kebcamparecio . . . Product featured: Unitop Desk Alarm Clock You can get it for Php 79.00. Pangregalo mo bes sa imo manito kag manita mo this december 🤣 . . . #clock #time #KapagOrasMoNa #Orasan #AlarmClock #BigyanMoNgOras https://www.instagram.com/p/BnvvKOlj2g7/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=8b04tssf2pi2
Patience.
Bakit ang bilis ng oras?
Bakit ang bilis ng oras?
Ang bilis ng oras literally. madalas napapansin ko ito kapag naggagayak (lalim!) ako. Parang nag-isip lang naman ako konti kung anong ternong hikaw, komportableng t-shirt, at hagurin ko pa sandali ang hair ko. Sa trabaho rin lalo na kapag may deadline at nagkataon na sunod-sunod, parang hindi lamang ako nakikipagpatintero sa tao kundi sa orasan. Pero alam mo ang nakaka-frustrate ay yung…
View On WordPress
(Love + Time + Effort) x 2 = Happiness
Orasan, MMK
Muling Pagbangon
Sa bawat pagkumpas ng iyong mga kamay at sa bawat indak mo ayon sa saliw ng iyong tugtugin ay hindi ko mapigilang mapahanga sa iyong taglay na kahiwagaan. Ano nga bang mayroon sa'yo? Bakit sa bawat galaw mo ay pakiramdam kong dapat kitang sabayan sa iyong pagsayaw at damhin ang musikang iyong kinaluluguran? Tila ay napakamaimpluwensya mo upang maramdaman ko ang mga ito, sapagkat wala ka namang sinasabing gumalaw ako ng naaayon sa iyong galaw. Sapat na ang panoorin kita at kumilos ng naaayon sa aking sariling tugtugin, dahil ang iyong mga galaw ay nagsisilbing gabay at paalala na kailangan ko nang kumilos--kailangan ko nang gumalaw bago pa mahuli ang lahat.
Ano nga ba talaga ang mayroon sa iyo? Dalawa nga ang iyong mga kamay, ngunit hindi naman pantay. minsan ay tatlo, at aaminin kong mas ramdam ko ang bawat galaw mo at ang iyong kagandahan sa tuwing tatlo ang iyong kamay. Iba ka sa kanilang lahat. Iba ka sa pangkaraniwan. sa kabila ng iyong kahiwagaan ay aaminin ko--takot ako sa iyo. Natatakot akong hindi kita masabayan sa iyong bawat galaw. Natatakot akong hindi kita masundan. Natatakot akong baka ika'y tumakbo at iwan ako, dahil lamang nalingat ako ng sandali. Hiling ko sana ay bagalan mo ang iyong galaw. Bagalan mo man lang ang iyong takbo. Kung pwede ka lang sana huminto kahit pansamantala upang makasunod ako at makahabol ay hindi na ako matatakot sa iyo--ngunit hindi ito maaari. Alam kong lampas ito sa iyong kapasidad at kung hindi man ako makasunod sa saliw ng iyong tugtugin ay hindi mo na iyon problema. Marami pa ang nakikinabang sa iyo, at hindi ka maaaring kumilos na naaayon lamang sa gusto ko.
Alam kong maraming pagkakataong bumibilis ang iyong takbo at naiiwan mo ako. Nahuhuli ako at hindi ko na maaaring maibalik pa ang mga sandaling nakalipas na. marahil ang dapat ko na lamang isipin ay kung paano ako makakabangon muli, mula sa daan kung saan ako nadapa, sa pilit kong pagtakbo at habulin ka upang ika'y makumbinsing bumalik sa akin. Ngayon ay natuto na ako. Hindi na ako magmamakaawang balikan mo ako, dahil alam kong mas marami pa ang makikinabang sa'yo, hindi lang ako. Hindi naman tamang isipin na lahat ay dapat umayon sa kagustuhan ko, ngunit ang ginawa kong paghabol sa iyo ay nararapat. Dapat kitang habulin kahit mahirap, ngunit hahabulin lamang kita upang ika'y masabayan, hindi para ika'y piliting bumalik muli. Hinding -hindi na kita ipagsasawalang bahala muli, o aking orasan. Pangako ko iyan.