Overthinker x Words of Affirmation
Ang hirap maging into words tapos overthinker at the same time. Sa words ka kase kumakapit. Kung overthinker ka, hindi ka mapapakali kase andaming pumapasok sa isip mo. Yong tipong kahit alam mo naman na, may what ifs pa rin. May bakit pa rin. Tapos maiimagine mo pa yong mangyayari sa lahat ng what ifs mo. Tapos hindi mo na alam kung alin na yong totoo. At dahil may mga bakit ka, hindi ka matatahimik kase kailangan masagot yon. Kase nga, into words ka. Itatry mo sagutin para matahimik ka. Pero dahil overthinker ka, andaming sagot na atatry mo para lang masatisfy ka. At dahil overthinker ka, yong mga sagot mo, may panibagong tanong. Kase nga, into words ka. Hangga't di nasasagot, di ka masasatisfy. Ang hirap! Pati sarili mo, hindi mo na rin maintindihan. Ang hirap maging into words. Kase yong sinasabi nila ang pinanghahawakan mo. At madalas kang masaktan sa sinasabi ng iba. Kahit gusto mong intindihin, masakit pa rin kase nga, words of affirmation ka. Lagi kong sinasabi noon na kaya kong kumapit basta sabihin mo lang. Kaya kong maghintay basta sabihin mo lang. Kaya kong maniwala basta sabihin mo lang. Kahit hindi ok ngayon, magiging ok din ang lahat basta sabihin mo lang. Basta sabihin mo lang.. at pag nasabi mo na, yon na yong panghahawakan ko. Kaya pag binawi mo, sobrang hirap tanggapin.










