#99 PAGOD NG UMUNAWA
(Tulang Ipinasa Sa: Pilantik ng Panulat) (Paksa: Sagutin Ang Tanong Na “Kamusta Ka?” Sa Pamamagitan Ng Pagra-rant o Pagrereklamo) Palagi ka na lang huli dumating, Sa ating oras na napag usapan, Doon sa lugar napiling pagkikitaan, At pagpapasyalan nating dalawa. Inunawa ka nung unang nahuli ka, Nang pagdating sa aming bahay, At kahit sa pasyalang pupuntahan, Ngunit nagmalabis ka sa unawa ko. Minsan akong nagreklamo sa iyo, Patungkol dyan pero 'kaw pang galit, Na parang naga kaya kahit yamot, Hinayaan na lang kita't 'di na kumibo. Copyright 2021 © BALOCSIN











