The One They Got Away...
May mga panahong maiisip mo na parang gusto mo na lng umalis sa isang lugar dahil:
1. May taong parang hindi ka naman gustong kasama. 2. Dahil unfair ang mga nangyayari sa paligid mo. 3. Dahil parang outcast ka sa mga tao sa paligid (e.g: May lunch date sila na sila sila lang ang laging magkakasama literally iniiwan talaga nila ako) 4. Yung tipong di mo sana mararanasan yung mga cruelty things kung hinati hati na lng sana ng maayos yung trabaho. 5. Yung tipong may favoritism yung iba sa circle of team/friends mo.
At marami pang ibang dahilan. Nung una, masama ang loob ko dahil ako ang pinili nya (o nila) na gawin ang isang trabaho na hindi ko naman dapat ginagawa but he made me realize kung bakit ako nga ang pinili nya. Di ko lubos maimagine na pinagkatiwalaan nya ako despite of the things na ako mismo, ay walang tiwala sa sarili ko. Pina-realize nya rin sa akin ang mga bagay na hirap akong intindihin dati.
Nagpapasalamat ako sa kanya dahil, hinayaan nya ako sa circle of friends nya kahit hindi ko sya gaanong ka-level or given the fact na isa syang head. Nagpapasalamat din ako sa kanya dahil never nyang pinaramdam sa akin (o sa amin) na nasa mataas syang posisyon sa kumpanya. Isa rin sya sa mga nag boost-up ng confidence ko sa work at sa marami pang bagay. Nakita nya ang abilities and capabilities ko na ako mismo ay hirap na makita sa sarili ko yun. Di ko alam kung paano ko pa ieexpress or sasabihin ang mga iba pang bagay na ginawa nya para sa akin at sa amin. Nakakalungkot lang na dahil sa isang walang pusong tao, sa taong kulang sa social experience at sa taong di marunong makinig ay biglang mawawala ang isang tao sa buhay ko na talaga namang tinuring ko nang matalik na kaiibigan. Naniniwala akong may salitang KARMA.
Anyway, kahit alam kong medyo limited na ang time namin para magusap at magkita hinding hindi ko makakalimutan ang aming "Mother Bibe". Isa kang legacy para aming mga anak anakan mong Bibe. hihihi. Kulang ang salitang salamat para sa iyo. Wish you all the best and we will miss you.
Hanggang sa muli nating pagkikita.














