Sabi mo may tiwala ka sakin, pero bat kailangan bang sakalin ako ng mga bagay bagay para lang makasiguro ka na wala akong gagawing masama? Nasan yung tiwala na sinasabi mo kung patuloy mo kong kinukulong sa mga kagustuhan mo. Gusto kitang sundin, alam mo yan. Napapaisip lang ako minsan kung bakit kinakailangan ko pang gawin lahat ng gusto mo na alam ko naman sa sarili kong wala akong gagawing masama. Totoo nga ba na may tiwala ka sakin? O hanggang ngayon natatakot ka pa rin?














