Malayo sa aking nakagisnan
Ito ang aking unang sulat dito at nais ko lamang i- salaysay ang mga bagay na ginawa ko kahapon at ngayon na wala sa mga bagay na aking nakagisnan o nasa "comfort zone"ko. Una sa lahat nag pagupit ako isang gupit na di ko man lang ginamitan ng aking imahinasyon kung babagay ba ito sakin o naaayon ba ito sa hugis ng aking mukha, naisip ko lamang na minsan ay di ko naman kailangan pag isipan ng sobra ng mga bagay bagay at isa pa tutubo din naman ito, Ikalawa ay ang biglaan kong paggawa ng blogsite na ito dahil nakita ko sa aming groupchat na "deadline" na daw ng paggawa neto sa biyernes. Alam ko na di ko pa naman kailangan mag post pero gusto ko ding i bahagi ang aking nararamdaman ngayon tungkol sa mga biglaan kong desisyon kagabi at ngayon. Una sa lahat ako ay kinakabahan dahil ngayon ko lang naranasan na gawin ang mga bagay na ito, ikalawa ay medyo nabawasan ang aking iniisip dahil nabawasan ko na ang mga dapat kong gawin, ikatlo ay nasasabik ako parang dati noong lagi kang may pm sakin pag tapos ng ating ensayo pero ngayon sa magiging reaksyon na ng tao sa mga nagawa ko at ikaapat Inaantok na ako tulad ng mga araw na ang tagal mong mag reply yun pala'y tinulugan mo na ako, dahil medyo nakakapagod sa eskwela kanina.













