Tama nga sila. When you make an effort lahat ng yun maganda ang outcome. I just wanna share this experience. Hindi ako nagaaral nung highschool ako. Aminado ako dun, lagi akong nagccut ng class and most of the time di ako pumapasok. May problems akong dinideal noon. Na hindi ko naresolve sa kadahilanan ng lagi akong nabbully and nawawalan ng kagamitan sa school.
But ngayon tinatawanan ko na lang lahat ng pinagdaanan ko dati. Kasi its useless na balikan pa lahat ng lumipas na. Move on! So ngayon tumuntong ako ng college nangako ako sa sarili ko na pagbubutihan kong magaral kasi gusto ko magkaroon ng magandang future. and gusto kong makita ang mga ngiti ng nanay ko, na walang sawang sumuporta mula kinder pa ako. Noong tumuntong ako ng college una kong sinubukan ang nursing. Pero sa kasamaang palad. hindi nagwork out sakin ang nursing. Kasi akala ko dahil stable ang job makakayanan ko. pero nung pinagaralan ko ang nursing. hindi siya biro. SOBRANG HIRAP! dun ko narealize na hindi ko passion yun.
Hanggang sa nagtrabaho na muna ako bilang kahera sa isang department store dito sa america. Napagisip isip ko na. ang hirap palang kitain ng pera. hindi biro kitain ang pera.. kung sanang ginalingan ko lang nung nasa highschool pa ako. sana wala akong problema. Pero ganun talaga nasa huli ang pasisisi. Pero hindi dun natapos yun .
Dahil habang nagttrabaho ako narerealize ko na napagiiwanan na din ako ng panahon. Bakit ung mga pinsan ko may diploma at ako WALA. Sila may education ako WALA. Doon ko narealize ang importansya ng pagaaral. Dahil kung wala kang education hindi mo mabbuild ang sarili mo and hindi ka magmmature.
Sa panahon na yun, nagsimula akong maghanap ng brochures sa school, para hanapin ko ang gusto kong course. At, sa wakas, nahanap ko ang gusto kong kurso. ANG GRAPHIC DESIGNER... nahanap ko to sa isang college school dito sa america, at dun ako nagstart mag apply at ayusin lahat ng requirements para makapag aral ako nang sa ganun matupad ko lahat ng pangarap ko .
NAgumpisa ang semester, nagaaral at tinututukan ko lahat ng subjects ko. Pinapasa ko mga assignments ko 2 days before the due date. Napasa ko lahat ng quizzes and tests ko na tumatagingting na line of 9. Nakakaproud sa pakiramdam na lahat ng efforts mo, nagiging mabuti. Ngayon ko lang naexperience ang ganito. Yung saya na hindi maipagpapalit ng kahit na ano. Hardwork really pays off. Simula nun, minamahal ko ang kurso ko. PAunti unti natututo akong maggrow and mostly nakikita ko sarili ko na nagiimprove at nagkukusang magfocus. Hindi rin naman kasi biro ang tuition fee dito sa america.
Kaumagahan ng 10/9/2016. tumawag ang prof ko. para lang ibalita na kasama ako sa top 5. GRABE TOP 5!!! just imagine, nung sinabi ko kay mama na top 5 ako. Grabe!! yung ngiti niya hindi matatawaran ng kahit na ano, yun ang kauna unahan na nakita ko ang nanay ko na masaya dahil sa achievements ko. Sobrang nakakagaan sa pakiramdam at mas ginanahan akong magaral lalo. hindi ko inaasahan na magiging top 5 ako . kasi nasa isip ko lang nun yung pumasa ako, magkaroon ako ng diploma at experience . gusto kong matuto! gusto ko magkaroon ng magandang trabaho .
Kaya sa mga kabataaan ngayon. PILIIN niyo ang pagaaral. Kasi sobrang napaka importante nyan. Walang makakanakaw nyan sayo . Education will build yourself and make you a better person. Hindi biro lahat ng perang ibinubuhos ng magulang niyo para lang makapag aral kayo. Kaya pagbutihan niyo para sa magandang kinabukasan. Masarap sa pakiramdam ang maging successful and masarap sa pakiramdam yung makita ang magulang mo na masaya kapag nakikita nilang nagpupursige ka. Kaya mo yan! Wag kang panghinaan ng loob. Mararating mo din ang pangarap mo! Don’t give up! Motivate yourself! Always pray to God! This is Denise Benito, soon to be a GRAPHIC DESIGNER!