Minsan sa buhay natin tayo ay nalulugmok sa problema pero may mga taong handang samahan tayo sa mga panahong tayo’y nalulumbay at nawawalan na ng pagasa. Minsan may mga taong hindi natin inaasahang tutulong sa atin upang tayo ay makabangon muli galing sa pagkalugmok sa problema. Ang short film na “Tingala sa Baba” ay nagpapakita ng dalawang bata na galing sa magkaibang estado sa lipunan na kung saan may makikita natin na tinulungan ng mahirap at payat na bata yung mataba at mayamang bata upang maranasan niya ang nasa taas ng siso (Seasaw). Dala ng katabaan nung bata ay di niya maranasan ang mapunta sa itaas na banda nang siso.
Ang siso sa palabas ay pwede nating ihambing sa social status natin sa lipunang ating ginagalawan. Malimit na ang mga mayayaman (sinisimbolo ng matabang bata) ay nakukuha nila lahat ng gusto nila sa buhay ngunit kapalit nito ay ang kasiyahang di nabibili ng pera (pamilyang sama-sama) makikita natin na ang batang mataba ay nagiisa lamang dahil wala pa ang kanyang driver at di rin siya masusundo ng kanyang mga magulang dahil sila ay abala sa pagtatrabaho, kung kaya’t masasabi nating nasa baba yung mataba dahil di siya masaya dahil may kulang sa kanyang buhay na di mabibili ng pera.
Sa kabilang banda naman, ang mapayat na lalaki ay sumisimbolo sa mga mahihirap sa lipunan. Maaring salat man sila sa lahat ng kayaman na maaring mayroon sa mundong ito ngunit meron naman silang “Kumpletong Pamilya” na laging andiyan para sa kanila at masasabi ko rin base sa aking sariling karanasan na higit kang magiging masaya kung ikaw ay lumaki sa isang buo at payak na pamilya.
Ang pelikula ay nagpapakita ng tulay sa pagitan ng dalawang magkaibang estado ng buhay. Malimit nating napapanood na madalas na tinutulungan ng mayayaman o may kaya ang mga mahihirap pero dito ang kabaligtaran ang nangyari. Maaring kailangan pang bigyan nung batang mataba ng pagkain o pera ang batang mapayat para siya matulungang maranasan ang maiangat sa siso (seasaw) ngunit sa dulo ng pelikula ay makikita natin na gumawa ng paraan ang mapayat na bata para maibigay ang hiling nang matabang bata.
----------------------------------------------------------------------------------------------------
Minsan talaga yung mga taong nasa ibaba natin ang siyang magtutulak sa atin paangat papunta sa tugatog ng tagumpay at masasabi kong isa ang mga guro sa mga taong tumutulong upang tayo ay mapunta sa taas. Maaring sila ay kumikita lamang ng kakarompot ngunit ang epektong binibigay nila sa bawat estudyanteng mayroon sila ay napakalaki. Dahil ang paghubog sa isang bata ay di ganong kadali ngunit para sakanila ito ay ang kanilang passion kung kaya’t ginagawa nila ang lahat kahit maliit lamang ang kanilang nakukuha mula dito. Para sakin na isang estudyante, ang tunay na ligaya ng isang guro ay kanyang nakakamit kapag nakikita niya na ang paslit na kanyang hinubog dati ay nasa tugatog na ng tagumapay ngayon.