Ito yung masakit sa pagpasok sa isang relasyon eh. Dalawa lang kasi yung pwedeng patunguhan niyan, it's either kayo na talaga or dadaan lang sya sa buhay mo para saktan ka, para matuto ka. Kung kayo na talaga, swerte mo dahil bihira nalang yan sa panahon ngayon, bihira nalang kung makakatsamba ka ng kuha, bihira nalang yung maaga mo syang mahahanap yet kayo padin hanggang sa huli. The second one, masasaktan ka, hindi pala sya yung para sayo, kumbaga hiram lang. Hiram lang para magtanda ka, para matuto ka ng mga bagay bagay na hindi mo pa alam, hiram lang para malaman mo na hindi lahat ng gusto mo pwede mong makuha lalo na kung hindi talaga yon para sa'yo. Wag kang maging selfish, learn to let go of the things na hindi talaga nararapat para sayo. At ang nakakalungkot lang, hiram ko lang pala sya, akala ko sya na. Akala ko sya na yung makakatuluyan ko habang buhay. Sayang yung sandamakmak na pangarap ko if ever magkita sana kami after namin ng college. Sayang yung mga pangarap na sabay naming binuo, yung mga pangarap na sabay naming pinagisipan. Sayang. Pero wala tayong magagawa, masakit? oo naman. Sobrang sakit, mahal mo eh. Perooo hindi nga kasi lahat ng bagay na gusto mo, makukuha. You should learn to accept the reality na tsambahan nalang talaga ang happy ending ngayon.