Lundag ng Ligaya. #Bayan #pagkaBATA #Photoliegraphy https://www.instagram.com/p/B03eS4Xgn-k-87fi6-PKtDYMHlHJMKmtl-1sp80/?igshid=1gysgrnmkycwe
seen from United States
seen from United States
seen from China
seen from China

seen from Nigeria
seen from South Korea

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Russia

seen from Brazil

seen from Singapore
seen from Indonesia

seen from Russia
seen from United States
seen from China
seen from United States

seen from Canada
seen from United States
seen from India
Lundag ng Ligaya. #Bayan #pagkaBATA #Photoliegraphy https://www.instagram.com/p/B03eS4Xgn-k-87fi6-PKtDYMHlHJMKmtl-1sp80/?igshid=1gysgrnmkycwe
Wala akong nakikitang pagbabago. Tulad ng nagdaang mga madaling-araw; ang ginaw, katahimikan, dilim- iyon din ang bumubuo ng daigdig ng aking kamalayan. Maraming bagay ang dapat mailarawan. Ngunit alam kong iisa lamang ang kahulugan ng mga iyon. ALAM KO.
Paalam sa Pagkabata ni Santiago Pepito
Sarap balikan no?
Ang sarap lang balikan ng nakaraan. Hindi ito tungkol sa pag-ibig itoy tungkol sa pagkabata, baka kasi akala ninyo tungkol na naman sa pag-ibig nakakasawa na. Naalala ko noon na yung malaya kang gawin kung anong gusto mo yung tila ba maglalaro ka lang ng maglalaro. Taguan, piko, tumbang lata, tumbang tsinelas, tumbang preso, tumbang bahay, tumbang kaaway at iba pa. Yung tipong wala kapang alam sa salitang love, sex, move on, masaktan, makasakit, masugatan, matapakan, madaganan. Ang sarap lang balikan ng ganun. Kung alam ko lang talagang linubos-lubos ko na. Walang muwang, inosenteng mag-isip, walang malisya basta matutulog ka lang at gigising sa umagang napaka aliwalas ng isip mo. Sarap balikan no?
Childhood Memories
Childhood ba kamo? I have an awesome childhood.
Ewan ko ba pero biglang pumasok sa isip ko 'yung childhood memories ko. Ang sarap kasi balikan.
Dati naaalala ko pa na tuwing hapon magkakasama kaming lahat. Tapos tatambay kami kila Ate Courtney kahit minsan nagagalit 'yung lola niya kasi magulo talaga kami. ‘Dun lang kami sa may labas nila tapos kung ano-anong laro pinaggagawa namin.
Meron nga kaming laro dati eh, Wizard of Oz, sa may likuran nila, bago pa ‘yun gawing bahay. Andun kami tapos ginagaya namin ‘yung palabas na Wizard of Oz. Malaki kasi ‘yung likuran nila kaya malaya kami ‘dun.
Tapos madalas kaming naglalaro ng Skul-skulan (teacher-teacheran). Ang dami naming nagogoyong bata hahahaha. Naniniwala naman sila sa mga pinagtuturo namin. May tests pa nga’yun eh. Tapos may ranking pa. Meron pa ngang canteen eh, kahit na sa sari-sari store lang din naman pinamili. XD
May naalala ako dati nung nag-aaral-aralan kami sa Math, tapos pinagsagot kami ni Ate Courtney, ‘yung isang kaibigan namin, kinopya niya ‘yung sagot sa Multiplication table kaya ang nangyari:
1 + 1 = 1
2 + 2 = 2
3 + 3 = 3
Ganyan ‘yung sagot niya kasi nga galing sa Multiplication table (which is 1x1 = 1, 2x2 =2, 3x3 =3) tapos natawa na lang kami.
Meron pa kaming laro na parang treasure hunt. ‘Yung may mga clues tapos bubuo pa ng puzzles at may mga sasagutan. Paunahan pa kami ‘dun. Meron din kaming laro ‘pag may chalk kami. ‘Yun bang magdo-drawing kami ng mga bahay namin tapos pagandahan, may second floor pa. Tapos ‘pag tapos na ‘yung mga bahay namin, magiging city na ‘yun, may ospital, school, simbahan atbp. Pero ang da best talaga ‘dun ay ‘yung sementeryo. Kasi sa sementeryo, may zombie na mabubuhay tapos hahabulin kami, kelangan makarating ka sa bahay mo o ‘di kaya sa simbahan para ‘di ka makain.
Naalala ko na madalas kaming magtakutan tapos si Lalang ‘yung kuba. Oo, kuba, na kadiri raw ‘yung itrsura niya. Maglalagay pa siya ng lobo sa likuran niya para real ‘yung pagiging kuba niya tapos manghahabol siya. Nakakatakot talaga ‘yung itsura niya kung makikita niyo lang. Kahit nga hindi namin kalaro ay natatakot sa kanya.
Meron pa akong naalala na gumawa sila Ate Allych ng sulat tapos binaon nila sa lupa. Hindi ko alam kung anong konek nito pero dinidiligan nila ‘yun XD. ‘Yung sulat, naglalaman ng mga pangalan namin. Naalala kong pinunit ko ‘yung papel na ‘yun kasi may sinama silang hindi naman namin kaibigan tapos ayun, nagselos ako. Hahahaha.
Meron pa kaming mga nalalaman na presentation kuno. Acting tapos concert tapos may mga nanonood naman samin. HAHAHA. Ang dami lang talaga naming alam. Meron pa nga nung may puncher kami tapos pinagbubutas namin ‘yung bond paper tapos may maliliit na bilog na kami. Naisip namin na snow ‘yun tapos tinawag namin ‘yung mga bata tapos sinaboy namin ‘yung mga ‘kunwaring’ snow. Tuwang-tuwa naman sila. Tapos sabi ni Ate KC na may bayad daw na 25 cents tapos nagbayad naman ‘yung mga bata. Nagalit tuloy ‘yung lola nung isa, ‘yung kapitbahay naming maingay (ehem, 250 XD)
Madalas ‘pag nag-aaway kami, nahahati kami sa dalawang grupo, syempre magkakakampi kaming magpipinsan (Ako, kapatid ko, tsaka si Ate). Lider namin n’un si Ate Courtney (matawa ka kung nababasa mo ‘to) tapos pinakamatanda naman si Ate KC.
Meron pang time na nagce-celebrate kami tapos magdadala kami ng mga pagkain at magsasalo-salo. Masaya lang kami. Parang kahapon nga lang lahat nang nangyari eh.
Nakakalungkot lang dail may mga humiwalay samin, tapos ngayon ‘yung isa may anak na, na parang kelan lang eh kalaro namin ng taya-tayaan. Alam kong natanda na rin kami. Maraming nagbago, nagbabago at magbabago. Ang sarap lang balikan ng mga alaala ng pagkabata ko. Hindi ko na kasi sila nakikita dahil wala na ako sa lugar namin. Minsan na nga lang kami nagkakasama eh, tuwing may burol pa ng patay samin (seryoso), tapos nagtatawanan na lang kami ‘pag pinagkukwentuhan ang nakaraan. Gayunpaman, alam kong da best ang childhood memories namin with each other at alam ko namang walang kalimutan.
Ang haba na pala nang nakwento ko, oo, ang dami ‘nu? Pero kulang pa ‘yan pero hanggang d’yan na lang muna. At oo, tama, puro babae nga ang kaibigan ko dati pero ayos lang ‘yun, dahil kung naging kaibigan ko ‘yung mga lalaki samin, malamang gangster na rin ako ngayon :X.
#maaasahan si #jollibee #radio - #gihilakan jud ni nako #pagkabata (at Talamban)
RF: Sabi nila WINE daw pampatulog ko nung bata ako.
Hindi gatas. Kaya yun, Hanggang ngayon, di ko masyadong trip gatas.