Tula ng Wika
Wikang kinasanayan, wikang kinalakihan,
Patuloy na umuunlad, kasabay ng pagbabago ng mundo.
Ito ay kinagisnan sa puso ng bawat Pilipino,
Nasa kamay nating lahat mula’t sa pon hanggang ngayon.
Bawat bukas ng bibig, iba’t ibang salita ang maririnig at sinasambit.
Wikang Filipino karaniwang ginagamit,
Saan man magpunta lagi natin itong bitbit,
Sa pamamagitan ng pagsasalin salin mula sa dila, kaunlaran nga hindi malayong makamit.
Lahat ng tula, sanaysay, maging mga talumpati,
Ang mga ito'y maaaring maging susi,
Magsisilbing katibayan,
Nagpapakita ng angking kahusayan.
Wikang Filipino , wika ng karunungan,
Bumubuo sa malaking parte ng kasaysayan,
Tayo'y hinihimok, maging huwarang kabataan,
Tungo sa magandang kinabukasan.
Sariling gawa nina Giecela Vibar at Sommer Tan




















