Pinoy Lab (Setyembre 22, 2011)
iPad POP TEN 1. Hatiin ang club sa dalawang grupo. a. grupo blg. 1 : GURO b. grupo. blg. 2: MAG-AARAL 2. Gamit ang internet, magsaliksik tungkol sa 10 pinakamagandang iPad app na ginagamit ngayon. Siguraduhing alamin kung para saan, paano gamitin, at kung kailangang bilhin o libre lang ang mga ito. 3. Ibahagi sa club ang nakuhang impormasyon at pumili ng 10 Best iPad apps para sa inyo (bawat grupo). Ilista ito mula 1-10, kung saan nasa unang bilang ang pinakamaganda. 4. Kopyahin ang listahan ng (na tatawaging) iPAD POP TEN. 5. Base sa nakatakdang grupo - 1. guro at 2. mag-aaral, maghanap ng 5 tao na tatanungin kung alin sa mga iPad apps na nasa listahan ang kanilang ginagamit, o kung hindi pa man nagagamit ay gusto nilang gamitin. Tiyaking ipakita sa taong tinatanong ang impormasyong nakuha tungkol sa app, lalo na kung wala siyang ideya tungkol dito. 6. Ihanda ang nakalap na survey para sa gawain sa susunod na Huwebes.

















