Ang ating wika ang nagpapatatag sa ating bansa sapagkat ito ang daan tungo sa pagkakaunawaan
hello vonnie
todays bird
macklin celebrini has autism
Interview Vampire Daily

#extradirty
noise dept.
YOU ARE THE REASON
cherry valley forever
No title available
ojovivo
taylor price
Keni
Show & Tell

pixel skylines

izzy's playlists!
$LAYYYTER
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
Color Me Curious
One Nice Bug Per Day
2025 on Tumblr: Trends That Defined the Year
seen from Ecuador

seen from Chile
seen from Algeria
seen from Chile

seen from Argentina
seen from United States

seen from United States
seen from France
seen from Saudi Arabia

seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from Philippines

seen from Argentina
seen from Pakistan
seen from Germany

seen from Madagascar
seen from Cambodia

seen from Finland
seen from Brazil
@wikadunong-blog
Ang ating wika ang nagpapatatag sa ating bansa sapagkat ito ang daan tungo sa pagkakaunawaan
BUWAN na naman ng Agosto na ginugunita natin bilang Buwan ng Wikang Pambansa. Isa lamang itong pagkakataon para magsalita sa ating sariling wika nang...
Buti pa ang wika lagi niyang bukambibig
Lagi niyo akong ginagamit pero di niyo alam kung ano ang aking halaga -Wika
Tinta
Sa bawat dagta ng tinta,
Nararamdama’y tila kakaiba.
Bawat haplos ng pluma,
Nakatagong mensahe ibig ipadama.
Bawat pagparte ng bibig
Pagkumpas ng kamay at mga bisig,
Totoo nga’t may nais iparating,
Nakukubling puso, kanyang palayain.
Ano pa ang silbi ng salita,
Kung nararamdaman hindi nais iwika?
Sayang ng pantig, letra’y mapapasawala,
Iyo ba itong ipagsasawalang bahala?
Wika ay gamitin,
Sariling wika, matutong tangkilikin.
Wikang Filipino ating sambitin,
Pagiging makabayan pairalin.
-Wikadunong
LINGAYEN, Pangasinan - The “retooling” of Filipino may improve the teaching of science, mathematics and other subjects in Filipino language in the basic and secondary education in the
MANILA, Aug. 5(PIA) - In celebration of the Buwan ng Wikang Filipino (Filipino Languages Month), the National Museum of the Philippines features the Hibla ng L
Kasaysayan ng Wikang Filipino
Mahalagang maintindihan ang kasaysayan ng Wikang Pambansa – kung paano ito nagsimula bilang Tagalog (kung saan umalma ang mga Bisaya), naging Pilipino, at ngayon nga ay Filipino na. Isang arkipelago ang Filipinas kung kaya nagkaroon ito ng maraming katutubong wika. Ang maganda sa penomenong ito ay nagkaroon din ng kaniya-kaniyang literatura ang bawat etnolingguwistikong grupo. Dahil dito, maraming mulat na mga kritiko katulad ni Isagani R. Cruz ang nagsasabing “isa sa pinakamayamang literatura sa mundo ay ang literatura ng Filipinas." Noon pa mang sinulat ang 1935 Konstitusyon, nabanggit na ang pagkakaroon ng wikang pambansa. Nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 3 na, “Ang Konggreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika." (Art. 14, Sek. 3) Noong 1936, itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang Surian upang mamuno sa pag-aaral at pagpili sa wikang pambansa. Tungkulin ng Surian na magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin na magiging batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Filipinas. Si Jaime de Veyra ang naging tagapangulo ng komite na nagsagawa ng pag-aaral, at napili nito ang Tagalog bilang batayan ng “Wikang Pambansa." Ipinalabas ni Pangulong Quezon noong 1937 ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na Tagalog ang batayan ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang pambansa. Dahil sa pagsusumikap ni Pangulong Quezon na magkaroon tayo ng wikang pagkakalilanlan, hinirang siyang “Ama ng Wikang Pambansa." Noong 1940 ipinalabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapaganap Blg. 203 na nagpapahintulot sa pagpapalimbag ng Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa. Pinasimulan din nito ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng mga paaralan sa buong bansa. Noong 1959 nagpalabas si Kagawaran ng Edukasyon Kalihim Jose Romero ng Kautusang Blg. 7 na nagsasaad na Pilipino ang opisyal na tawag sa wikang pambansa. Sa 1973 Konstitusyon noong kapanahunan ng diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos, nakasaad sa Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 na “ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Pilipino. Hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas." Noong panahon naman ng Rebolusyonaryong Gobyerno sa ilalim ni Pangulong Corazon C. Aquino muling binago ang Konstitusyon noong 1987 kung saan nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 6 na: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika." Mahalaga ang papel ng mga wikang katutubo sa pagpapayaman ng Filipino, na sa ngayon ay nagbabago ang anyo. Idinagdag sa alfabetong galing sa Tagalog ang mga letra na f, j, q, v, at z. Dahil dito, ang dapat na maging baybay ng pangalan ng ating bansa ay Filipinas at ng pambansang wika ay Filipino, gaya ng ipinanukala ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Literatura Virgilio Almario sa kaniyang librong Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa. Tama rin na isama ang mga letrang tulad ng f at v kung gusto nating makapag-ambag talaga ang mga wikang katutubo sa wikang pambansa. Halaw ang mga ito sa mga magagandang wika ng mga Ivatan, Ifugaw, at Manuvu na katutubong grupo sa bansa. - See more at: http://www.gmanetwork.com/news/story/171158/news/nation/kasaysayan-ng-wikang-filipino#sthash.NoEBFd61.dpuf
Ama ng Balarila ng Wikang Pambansa
Kilala niyo ba kung sino ang Ama ng Balarila o gramatika ng wikang Filipino, na pumanaw sa araw kung kailan ginugunita ang Araw ng Paggawa? Isang makata, nobelista, mamamahayag, lider manggagawa at lingkod publiko, si Lope K. Santos o Mang Openg ang kinikilalang Ama ng Balarila ng wikang Filipino. Isinilang siya noong Setyembre 25, 1879 sa Pasig na noo’y sakop pa ng lalawigan ng Rizal. Bagaman ang apelyido ng kanyang ina na si Victoria ay Canseco, mas pinili ni Lope na gamitin ang letrang “K" sa kanyang middle initial dahil sa kanyang pagpapahalaga sa alpabetong Filipino kaysa letrang hiram sa dayuhan. Sinasabing lalong sumidhi ang pagmamahal ni Mang Openg sa wikang Filipino nang manalo siya sa dupluhan (larong patula). Kasunod nito ay naging editor siya ng ilang publikasyon sa Tagalog noong 1900’s. Sa kanyang pagsusulat ng mga nobela at tula, kinilala rin siya bilang Paham (dalubhasa) ng Wika. Taong 1940 naman nang gawin niya ang balarila na naging panuntunan noon sa pagsusulat sa wikang Filipino. Tumanggap din siya ng pagkilala sa isinulat niyang nobela na "Banaag at Sikat." Si Lope ang naging unang editor ng babasahing "Muling Pagsilang," at nagtatag ng "Sampaguita," ang kauna-unahang babasahin na isinulat sa Tagalog na lingguhan ang paglimbag. Kasunod nito ay ang pagkakahirang sa kanya ni dating Pangulong Manuel L. Quezon bilang director ng Surian ng Wikang Pambansa. Naging gobernador din siya ng Rizal mula 1910 hanggang 1913, at sa itinalagang gobernador ng Nueva Ecija noong 1918 hanggang 1920. Nang maging senador, iniakda niya ang batas sa pagdedeklara ng (Andres) Bonifacio Day, at isinulong ang kagalingan ng mga manggagawa. Pumanaw siya noong May 1, 1963 dahil sa karamdaman. - FRJimenez, GMA News - See more at: http://www.gmanetwork.com/news/story/229730/news/ulatfilipino/ama-ng-balarila-ng-wikang-pambansa#sthash.iMn19KAN.dpuf
Wikang Filipino, Wika ng Karunungan
gawa ni: @drawingdispatches
palakpakan
Here are 30 awesome Filipino words that defy exact translation into English.
!!
Advocates of the Filipino language who questioned the curriculum before the Supreme Court now urge colleges to 'resurrect Filipino departments abolished because of the K to 12'
Aba, dapat lang panatiliin ang asignaturang Filipino!