Pagkukulang
Gumising ako ng may tamis na ngiti. Isang gabi na naman na puro halakhakan, kilig at hugot. Sobrang saya talaga namin. Nag-uusap sa cellphone mula alas 10 hanggang alas 2 ng umaga. Doon pa lang, alam ko naging masaya siya. Nawala ang pagod mula sa trabaho. Siguradong-sigurado na talaga ako na mahal na mahal na mahal ko siya;parang walang hanggan.
Ayun! sabik na naman ako na makausap siya mamayang gabi.
Nag-usap kami ng mga bandang alas dose na matapos pagtripan ako sa txt. Ano naman kaya ang pag-uusapan namin?
Sari-saring bagay na naman ang napag-usapan hanggang sa makarating sa kung sino man ang mauunang mamatay sa amin. Yun talaga si Palangga. Palaging negatibo. Nasanay na rin naman ako at sinakyan ang walang kwentang iniisip niya.
Hindi ko alam. Hindi ko ma-gets. Bakit humantong ang usapan sa ganun. Ang sakit. Hooooo! Ang tagal na ring sumakit ang puso ko at yun! Siya na naman ang dahilan kung bakit kumirot ang puso ko.
Hindi ko alam kung paano humantong sa ganung usapan.Basta’t ang natatandaan kong sinabi niya:
Hindi ko maramdaman na mahalaga ako sa’yo.
Hindi ko maramdaman na masaya ka kapag kasama ako.
Hindi ko maramdaman na may-care ka sa akin.
Inaabangan kong sabihin niya na hindi niya maramdaman na mahal ko siya...ngunit hindi niya nasambit...
Basta..Ang sakit! Parang hinati ng kutsilyo ang puso ko. Ang tangi ko nalang nasabi ay matutulog na ako kahit alam niya na hindi naman totoo dahil naramdaman niya na hindi ko matanggap yung mga sinabi niya at ang sakit ng tama sa akin.
OO.
Hindi ako perpektong girlfriend.
Hindi ako parehas ng mga ex niya na minhal siya ng sobra noon.
Hindi ako ang klase ng syota na mabibigyan siya ng lahat ng oras sa mundo dahil sa trabaho ko.
Hindi ako ang klase ng babae na showy -- yung napaka sweet at hindi nahihiya na ipagsigawan sa lahat na mahal ko siya.
OO.
Alam ko na may PAGKUKULANG ako. Alam na alam ko.
Pero ang sakit lang talaga.
Kasi nag-eeffort naman ako.
Tinitiis ko na matulug ng alas dos ng umaga para lang makausap siya.
Yung umiiyak sa tuwing may nagagawa siyang hindi katanggap tanggap, initindi ko naman. Minahal ko siya sa kabila ng lahat.
Bakit hindi niya yun makita??????????
Lahat na lang ba ng pagkukulang ko ang dapat isumbat sa akin?
Parang sinabi niya na rin na ang dami kong pagkukulang at hindi niya deserve ang isang syota na katulad ko.
Sa sobrang sakit ay hindi ako makaiyak. At alam ko hindi ito tama dahil magdedesiyon na naman ako ng hindi pinag-isipan ng tama.
Kaya heto, hindi ko mna siya kakausapin. Kailangang pag-isipan kong ipapatuloy pa ito. Kung may direksyon pa ang lahat. Kung karapat dapat pang ipaglaban.









