isa nanaman ay nalagas sa kinabibilangan kung hanay! diko alam kung ano reaksyon ko sa bawat ganitong pangyayari.. siguro di naman ganun ako ka senti sa ganitong bagay-bagay dahil lahat naman tayo ganito rin kahahantungan sa kalaunan.. ang nagkakaiba-iba nga lang tayo ang mawawala sa eksina..
subalit diko parin mailugar ang aking isipan kung anu ang meron sa kabila ng kinahahantungang ganito? sabi nila langit, empyerno, porgatoryo, nirvana, babalik sa ibang katawan/anyo, at marami pang haka-haka na kumikiliti sa isipang nabubuhay.. pero wala pa naman galing don na nakapagsabi kung anu meron.. ano nga ba? ang iba kasi sobrang pangamba at paghahanda para sa kabilang buhay at nalilimutan na nila ang obligasyon nila samantalang buhay pa..
pero ibahin nyong taong ito.. sinulit ang bawat minuto ng buhay na palaging masaya/kasiyahan.. sa sobrang masayahin nya ay walang nag isip ng paghihinayang sa kanyang pag-panaw.. alam kung masakit ang mawalan ng kakilala, kaibigan at lalo na mahal sa buhay.. subalit ang sumasagi saaking isipan ay galak na natapos na ang kanyang pakikipagsapalaran sa masalimot na buhay sa daigdig, tapos na ang pakikibaka sa suliranin at balakid sa bawat yugtong dumaraan, tapos na ang pagkukunwari at pag-patangay sa agus ng nakakarami, tapos na ang masasalimoot na tadhanang nagpaparupok sa matitibay na dibdib, at tapos na ang paglalason sa hininga at sa murang isipan na namulat sa makamundong sistema..
ang mas inaalala ko ngayon ay tayong mga naiiwan pa, tayong sasabak sa matitindi pang paghapon, tayong matatapang at mahihigpit sa pagkakapit.. kaya salamat suckers.. panuorin mo kami sa aming landas.. alam kung hindi kami kasing tibay mo.. pero alam mong kayang-kaya parin namin kahit papano.. hintay ka lang dyan.. hanggang sa muli...