Hello guys, naranasan niyo na bang pumili? Sa dalawang tao? Yung hindi mo alam yung gagawin nakakalito ang hirap kasi hindi ko alam kong saan ako magiging masaya. Doon sa safe ka at napapasaya at nagvavibe kayo or doon sa taong kilala mo na kahit masakit ilang beses mo ng binigyan ng chance. Hindi naman dapat ako mahirapan mamili eh kasi alam ko na dapat yung sagot pero pilit akong nalilito.
Sapat ba ang isang linggo? Sapat ba na isakripisyo ang kalayaan ko? Ang kasiyahan ko? Baka ako na dapat gumawa ng sign para matapos ang isang ugnayan, alin sa dalawa? Ang hirap naman ng ganito. laging ibang tao na lang yung iniisip ko na natatakot ako na baka masaktan ko sila pero naisip ko ba yung sarili ko? Kung masasaktan ako?
Ano nga ba ang dapat kong gawin? Paraluman.
Hindi pwedeng sa pagkanta lang niya at umiiyak na ako dahil may gut feel na ako sa mga mangyayari pero hindi ko pa rin alam. Ang gulo ng utak ko ngayon.
Nawa’y ma bigyan ako ng maayos na sagot.
Hindi ko mapigilan maging mabait. Ang sakit kasi ng laging maging mabait.














